Una sa Balita

SPECIAL FEATURE: CRISTINE, HINDI NA MAANGAS AT BASTOS! 

By
0 12

Sarado na ang pinto ni Cristine Reyes sa hubaran. Hinding-hindi na raw siya papayag na magpa­seksi pa sa mga adult o men’s magazine.

Sabi nga niya, ‘graduate’ na siya sa pagpapa-daring, sa men’s mag man, pelikula man, o TV kaya. Pero, pasok pa rin sa kanya ang kissing scenes sa teleserye o pelikula, pero hindi na ‘yung makikipagtalbugan siya sa paseksihan at matitinding love scenes.

Well, kung kailan mas sexy ngayon si Cristine at kaya niyang pataubin ang mga dalagang sexy stars, o ‘yung mga wala ang anak, saka naman niya tinuldukan ang pagpapa-sexy. Kaya, sayang naman!

Paliwanag niya sa presscon ng bago niyang show sa Kapamilya Network, ang I Can Do That, gusto na raw kasi niyang mag-focus sa ibang bagay para sa asawang si Ali Khatibi at anak na si Amara.

“Lumalaki na rin kasi ang baby ko, at saka, okey na ‘yon, graduate na ako sa ganu’n,” sey niya.

Kaya nga pasok na pasok sa kanya ang I Can Do That, dahil very competitive siya at gusto niya ng mga reality-base na show na gaya nga nito.

Masaya sa buhay niya ngayon si Cristine, na ayon sa kanya ay nasa tamang direksyon siya. Kuntento siya sa pagiging nanay at asawa. At maganda rin ang sitwasyon ng clothing on-line business na binuksan niya last year.

“Iba ang pakiramdam kapag nanay ka na. Kumbaga, gagawin mo talaga ang lahat para sa anak mo. Ang sarap ng buhay ko ngayon. Ang saya ko,” sambit pa rin ni Cristine.

Huling project niya sa ABS-CBN ay ang Langis at Tubig at kahit wala pa siyang follow-up teleserye, abala naman daw siya sa kanyang personal life at training ng martial arts.

Ang martial arts ang isang dahilan kung bakit pumayat nang husto si Cristine, dahil naimpluwensyahan siya ng kanyang asawa.

Sa totoo lang, ang laki ng ipinagbago ni Cristine maging sa paraan ng pagsagot niya sa mga tanong ng press sa kanya. Kung noon ay may taray ang mga sagot ng aktres kapag natatanong ito tungkol sa kanyang personal life dahil ayaw niyang napag-uusapan ang tungkol dito.

Ngayon nagniningning ang mga mata ng aktres kapag napag-uusapan ang buhay may-asawa at pagi­ging mommy niya.

Mabait na kung sumagot si Cristine at nawala ang pagka-angas niya sa mga pang-uusisa ng press. Hindi na rin ito mukhang maldita lalo’t punung-puno ng kasiyahan ang mukha.