Una sa Balita

SPECIAL FEATURE: ATE VI, GUSTO NANG MAGKA-APO!

By
0 54

Wala talagang ‘inip’ factor kapag si Cong. Vilma Santos-Recto ang kausap mo. O mas kilala namin sa showbiz bilang Star For All Seasons, o simpleng Ate Vi.

Kaya naman nu’ng dinayo namin (kasama ang piling-piling mi­yembro ng entertainment press) siya, napuno talaga ng tawanan, umaatikabong tsikahan, kaalaman sa bago niyang trabaho bilang kongresista, pagbabalik-tanaw sa mga masasayang nakaraan niya sa showbiz at siyempre mga plano niya sa hinaharap.

Tsika ni Ate Vi, kahit ibang-iba na ang mundo niya ngayon, na subsob sa pagrerepaso, pag-aaral ng mga batas, hindi talaga niya kinakalimutan ang showbiz, lalo na ang pelikula.

“Nagri-rent pa ako ng DVD ng mga indie films. Mga original DVDs, ha! Hindi pirated.

“Napanood ko ‘yung mga movies nina Direk Brillante Mendoza, Direk Lav Diaz at iba pang directors.

“Hindi ko talaga puwedeng kalimutan ang movies. Lumalabas pa rin talaga sa dugo ko,” sabi niya.

So, bet mo bang magpadirek kay Direk Lav, na ang pinakamaiksing oras ng pelikula ay 4 oras at may 8 oras pa nga.

“Talaga? For example, 8 hours ipapalabas, ilang araw ang shooting?

“Pero, gusto ko rin nga. Gusto ko mag-try.

“Pero, papaano ‘yon? Maghapon ka sa sinehan?” balik-tanong ni Ate Vi.

“Pero, gusto ko talaga ng indie movies. Ang gaganda nila. I love that film, ‘yung kay Anita Linda. Ganu’n ang gusto ko. Ibang klase.

“May isa pa na movie si Anita Linda, na nakulong naman siya. Parang artista siya. Tapos nakulong siya.

“I love watching indie films. I swear. Inu-observe ko kasi kung paano nila ginagawa. Like ‘yung kay Anita na lumalakad, hanggang dulo nakasunod lang ang kamera. Ibang klase ang mga movies nila.

“May movie rin ‘yung kay Gina Alajar, ang ganda rin nu’n,” kuwento pa rin ni Ate Vi.

Hindi na nga mabilang ni Ate Vi ang mga indie movies na inalok sa kanya, na hindi nga niya napagbigyan, dahil sa kakulangan ng oras, o maling timing lang.

“Gusto ko ring mag-produce ng indie, kapag hindi na ako nagtuloy sa pulitika. Parang may idea na ako sa mga gusto kong gawin. ‘Yun talaga ang plano kong gagawin.

“Sabi ko nga, nai-excite pa rin ako ‘pag showbiz ang pinag-uusapan. Nananalaytay pa rin talaga sa dugo ko. Hindi na mawawala ‘yon.”

May inaalok na movie kay Ate Vi ngayon na pinag-aaralan niya. At sana nga ay matuloy na, dahil sabik na sabik na ang mga Vilmanians na mapanood na naman ­siyang umaarte sa harap ng kamera.

Pero teka, baka magbago na ang prayoridad niya sa buhay, na baka kapag tumigil na siya sa pulitika at bigla naman siyang nagka-apo na, matuon na ang atensiyon niya sa ‘bata’.

“Hindi ko pa alam kung paano magkaapo. I don’t know? Baka mag-iba priorities ko. I don’t know? Excited na nga rin ako.

“Hindi ko nga alam. Pero, parang naghahanap na nga ako ng baby. Ang baby nga namin ni Ralph (Sen. Recto) ngayon, mga aso. Pero, wala pa, eh,” sambit ni Ate Vi.

Sinabi mo na ba kina Luis Manzano at Jessy Mendiola na gusto mo nang magka-apo?

“Ay, hindi ako nakikialam. Pero masaya sila. Nakikita ko.”

Pero, knows na ba nila na gusto mo na ring magkaron ng apo?

“Nandu’n sila sa akin nu’ng Sunday, nag-usap kami. Hindi ko isi-share. Ha! Ha! Ha! Ha!” natatawang saad niya.

Ang hirap ng pogi ang anak, ‘di ba? Parang kailan lang, ibang babae ang kaharap mo na kasama niya, ngayon, iba ulit.

“Buhay na ng anak ko ‘yan. Buhay na ni Luis ‘yan. Nandito ako para sumuporta lang. Sa nga­yon, nakikita ko talaga na masaya ang anak ko,” sey na lang ni Ate Vi.

JANINE, DESERVING SA PH FASHION MUSE TITLE!

Janine Gutierrez

Isang malaking karangalan para sa showbiz royalty na si Janine Gutierrez ang maging nominado bilang Favorite Pinoy Star sa Kids’ Choice Awards 2017.

“Masayang-masaya akong maging bahagi ng Kids’ Choice Awards at karangalan po sa akin na ma-nominate bilang Favorite Pinoy Star. Sa lahat po na bumoto, maraming salamat po!” say ng Legally Blind actress.

Well-deserved ni Janine ang titulong Philippine Fashion Muse dahil bukod sa paborito siyang kunin bilang cover girl ng mga magazines at isa sa mga Kapuso stars na pinagkakatiwalaan bilang endorser, ay may sarili rin siyang estilo na nagiging inspirasyon ng kabataan at mga kapwa niya millennials.

Samantala, isang nakakatuwang slime challenge ang ginawa ni Janine para sa nasabing awards show at iniimbitahan niya ang lahat na abangan ito sa Lunes, March 13. (DS)

Barbie, kinaiinggitan ng mga bading!
MTB sa Bulacan at Cavite!

Barbie Forteza
Barbie Forteza

Kinaiinggitan ng mga bekis si Barbie Forteza, na gusto na nga nilang putungan ng korona ang bulilit, pero seksi at makinis na aktres. Sobrang swerte nga raw ni Barbie, dahil araw-araw, puro gwapong lalake ang kaharap niya, na kadalasan ay naka-shorts na sobrang iksi, naka-sando, o minsan ay topless pa.

Kung sila nga raw ang nasa sitwasyon ni Barbie, baka araw-araw ay tulala lang sila, kapag kaharap na nila ang mga hubad na sina Ivan Dorschner, Ken Chan, Addy Raj at Jak Roberto.

Pero, dahil hindi sila si Barbie, kaya nagkakasya na lang muna sila sa pagsunud-sunod sa mga Meant To Be boys na ito. Tulad nga sa March 12 (4pm), susugurin nila ang SM City San Jose Del Monte, Bulacan, para makita lang sina Barbie, Ken, Jak, Ivan, Addy at Mika dela Cruz.

At sa March 19 (5pm) naman ay go pa rin sila sa Robinsons Place Gen. Trias Cavite, para muling makasama sina Barbie, Ken, Jak, Ivan, Addy at Sef Cadayona.