Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Spartans angat sa Rizal Towers

0 101

Umapat ang draw game ni Arena Grandmaster Marc Voltaire Paraguya kay IM Rolando Nolte upang akbayan ang City of General Trias, Cavite Spartans sa back-to-back win sa All Filipino Conference Professional Chess Association of the Philippines (PCAP) na inilaro sa lichess platform.

Nilista ng Spartans ang 12.5-8.5 panalo kontra Rizal Batch Towers na hindi pa rin naglalaro ang kanilang pambato na si Asia’s first grandmaster Eugene Torre.

Ang mga nagwagi sa Spartans ay sina Kevin Arquero na nakaungos kay FM Mari Joseph Turqueza, 3-1, sa board two, Clairevy Estavillo – Marisga pinisak si Enrica Villa, 3-0, sa board three at Jayson San Jose Visca na tinalbos si Marlon Constantino, 3-0, sa board six.

Bumida para sa Rizal Batch Towers si Arena Grandmaster Herman Vallente na tinalo si Ricardo Batcho, 3-0, sa board seven. (Elech Dawa)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.