Una sa Balita

Gasol vs Scola sa World Cup Final

0 293

KASADO na ang finale ng 2019 FIBA World Cup sa pagitan ng Spain at Argentina.

Pagkatapos ng bakbakan mamayang 8pm sa Wukesong Sport Arena sa Beijing, may bagong magtataas ng Naismith Trophy.

Bago ang kampeonato ay battle-for-third muna sa pagitan ng Australia at France sa 4pm.

Sa likod nina Marc Gasol at Ricky Rubio, sinipa ng Spaniards ang Australia 95-88 sa double-overtime classic nitong Biyernes.

Sumunod na kinalos ng Argentines ang France 80-66 sa kabayanihan nina Luis Scola at Facundo Campazzo.

Balik sa final ang Spain pagkatapos ng nag-iisang appearance noong 2006 nang itaas ang World Cup trophy sa Japan.

Unang title game din ng Argentina, pangungunahan ni Luis Scola, sapul nang kapusin sa Yugoslavia noong 2002.

Winners ng inaugural edition ng World Cup noong 1950 ang Argentina, tatangkaing mabawi ang kampeonato pagkatapos ng 69 years. (VE)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy