Una sa Balita

Spa sinalakay, 2 bugaw arestado

0 412

By Juliet de Loza-Cudia

BUMAGSAK sa bitag ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) ang dalawang bugaw habang nasagip naman ang 17 babae kabilang ang 4 na menor de edad na ibinubugaw sa isang spa, kamakailan sa Makati City.

Nasa kustodiya na ng NBI-Anti Human Trafficking­ Division (NBI-AHTRAD) ang mga suspek na sina Edril Delos Santos ng Caloocan City at Jenny Lebradilla Coral ng Quezon City dahil sa kasong sexual exploitation.

Nabatid na ang mga suspek ay inabutan ng mga ahente ng NBI-AHTRAD sa Quija Spa na dating Native Palm Spa na matatagpuan sa P. Burgos St., T Tower Condominium, Makati City.

Nalaman na isinailalim sa survellaince operation ng NBI ang naturang spa dahil sa reklamong ginagawang sex den ang lugar at ginagamit na front ang pag-aalok ng ‘massage therapy’ sa mga kostumer .

Aabot umano ng P3,000 ang alok na extra service at P1,000 naman kapag massage therapy ang serbisyo.

Ikinasa ang entrapment operation matapos na magpositibo ang isinagawang surveillance kung saan ginagamit ang ikatlo at ika-anim na palapag ng condominium bilang sex den.

Sa 17 nasagip, isa ang umaming menor de edad habang nadiskubreng tatlo pa ang menor de edad nang sumailalim sa dental examination.

Nakakumpiska rin ang NBI ng mga kahon-kahong condom sa reception area ng spa.

Isinailalim sa Inquest proceedings sa Department of Justice ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9208 o Anti Trafficking in Persons Act of 2003, RA 7610 o Special Protection Against Child Abuse, Exploitation and Discrimination.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy