Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

South Korean ober da bakod pa-NoKor

0 124

Pinaghahanap ngayon ng mga awtoridad ang isang ‘di pa nakikilalang indibidwal na nakalusot sa mahigpit na seguridad at nakatawid pa-North Korea mula South Korea.

Ayon sa ulat, naispatan ng militar ng South Korea ang indibidwal sa silangang bahagi ng Demilitarized Zone (DMZ) sa pamamagitan ng thermal observation device.

Nagpadala na umano ang militar ng South Korea ng ilang tauhan upang hanapin ang taong ito ngunit bigo silang makita ito.

Nahuli pa sa CCTV ang pag-akyat ng naturang tao sa bakod na may barbed wire ngunit ‘di ito agad napansin ng guwardiya na naka-duty sa CCTV.

Related Posts

Hindi pa malinaw ang pagkakakilanlan ng taong ito at kung buhay pa ito.

Sa ulat naman ng media sa North Korea, hindi pa umano natatagpuan sa kanilang teritoryo ang naturang indibidwal.(Mark Joven Delantar)

Leave A Reply

Your email address will not be published.