Una sa Balita

South Cotabato inulan ng yelo

By
0 2

Nakaramdam ng pagkamangha ang mga residente sa bayan ng Surallah, South Cotabato dahil sa pag-ulan ng yelo sa kanilang lugar.

Ayon kay Surallah-Municipal Disaste­r Risk Reduction and Management officer June Cayho, isang “bizarre phenomenon” ang nangya­ri kung saan singlaki ng butil ng mais ang yelo na ngayon lamang naranasan ng mga residente sa lugar.

Samantala, isa sa mga paliwanag umano nito ay posibleng senyales ito ng paparating na El Niño at dahil din sa abnormal at pabago-bagong panahon.