Una sa Balita

South Africa 2 na ang korona

By
Miss South Africa Demi-Leigh Nel-Peters
0 27

Si Miss South Africa Demi-Leigh Nel-Peters ang kinoronahan bilang 2017 Miss Universe na ginanap sa Planet Hollywood in Las Vegas, Nevada. Siya ang se­cond South African beauty na manalo ng Miss Universe title. Unang nanalo ang South Africa noong 1978 as represented by Margaret Gardiner.

Ito ang unang Miss Universe na napanood namin noong bata pa kami at first time naming makakita ng isang maputing babae na taga-Africa. Si­mula noon ay lagi na naming inaabangan ang Miss Universe.

Sampung taong hindi nagpadala ng candidate ang South Africa sa Miss Universe simula noong 1985 hanggang 1994. 1995 na ulit sumali ang South Africa at matagal na nilang pinagdarasal na muli silang magkaroon ng Miss Universe.

Tinalo ni Demi-Leigh ang 91 contestants mula sa iba’t ibang bansa. Sa simula pa lang ng contest, isa na sa naging paborito si Miss South Africa kasama sina Miss Phi­lippines, Miss Thailand, Miss Indonesia, Miss Colombia at Miss Venezuela.

Sa Top 3, tinalo niya ang surprise favorite na si Miss Jamaica Davina Bennett na nag-place 2nd runner-up at si Miss Colombia Laura Gonzalez ay ang 1st runner-up.

Taga-Sedgefield, South Africa ang 22-year -old na si Demi-Leigh. Na-impress ang mga hurado sa mga sagot ni Miss South Africa sa dalawang Q&A portions ng Miss Universe.