Una sa Balita

THE SOURCE: Yasmien, apektado sa ‘lovelife ni yaya’!

By
0 5
Yasmien Kurdi
Yasmien Kurdi

May clamor na ipasok si Yasmien Kurdi sa Encantadia dahil kasama siya sa original cast.

“No comment!” pa ang sabi ni Yasmien sa panawagan ng Encantadia fanatics pero puwedeng-puwede na siya na idagdag sa cast ng telefantasya ng Kapuso Network dahil  ngayon ang last episode ng Sa Piling ni Nanay, ang afternoon drama series ng GMA 7.

Kahit nabawasan siya ng trabaho, mananati­ling abala si Yasmien dahil hands on mother at housewife ito, lalo na ngayon na umalis ang kanilang kasambahay.

Nakakatawa ang kuwento ni Yasmien tungkol sa kasambahay na umalis dahil nakipagrelasyon sa security guard.

“Naghahanap ako ng yaya. Ngayon, wala na naman akong yaya so mahirap.

“‘Yung first yaya dati, na-in love sa security guard sa school ng anak ko. Buti na lang, hindi sa asawa ko.

“Ang ending, hindi naman pala sila. Parang na-broken-hearted tuloy si kuya na security guard. Alam ko talaga ‘yung kuwento kasi kinakausap ako nu’ng security guard. Kawawa naman.

“Umalis na nga siya (yaya) ng trabaho para sa pag-ibig, akala ko naman, sila talaga. Nakahanap na siya ng ibang work kasi naka-college level naman siya. Sabi ko, okey lang kesa naman maging selfish tayo,” ang isang kuwento ni Yasmien tungkol sa kanyang ‘yayaserye.’

Hindi nakalimutan ni Yasmien ang paalaala na huwag palampasin ang pagwawakas nga­yong hapon ng Sa Piling Ni Nanay dahil sa mga makapigil-hininga na eksena.