Una sa Balita

THE SOURCE: Vhong, apektado ang Christmas vacation dahil sa Mang Kepweng Returns!

By
0 20
Vhong Navarro
Vhong Navarro

Ang January 4, 2017 playdate ng Mang Kepweng Returns ang pruweba na hanggang sa January 3, 2017 lamang ang 42nd Metro Manila Film Festival na magsisimula sa December 25, 2016.

Ang Viva Films ang magre-release sa mga sinehan ng Mang Kepweng Returns, ang come­dy movie na pinagbibidahan ni Vhong Navarro at initial offering ng Cineko Productions.

Mabilis na natapos ang shooting ng Mang Kepweng Returns dahil nagplano noon ang mga producer ng Cineko Productions na isali sa Metro Manila Film Festival ang  pelikula nila.

Pero hindi napili na official entry sa MMFF 2016 ang Vhong starrer  na unang napabalita na ipalalabas sa mga sinehan noong December 7.

Dahil sa biglaan na showing ng Mang Kepweng Returns sa January 3, 2017, mapipilitan si Vhong at ang co-stars nito na i-promote nang husto ang kanilang  pelikula kaya hindi maiiwasan na maapektuhan ang  Christmas vacation nila.