Una sa Balita

THE SOURCE: Showbiz personality, malikot ang kamay! Covetous ka!!!!

By
0 14

Kinumpirma ng isang saksi na likas na mainggitin at malikot ang kamay ng showbiz personality na nakasama niya sa trabaho.

Kapag may nagustuhan na damit na suot ng ibang tao, binibili rin ito ng showbiz personality na kaligayahan na ang manggaya.

May isang insidente na nawala sa set ang expensive shoes na dala ng isang co-worker ng showbiz personality. Ang showbiz personality ang suspect dahil siya ang huling tao na nakita sa lugar na kinalalagyan ng mamahalin na sapatos na nawala.

“Covetous (greedy at wrong desirous of wealth or possessions)” ang tawag ng saksi sa ugali ng showbiz personality na binibili at ginagaya ang mga materyal na bagay na nakikita niya sa iba.

 

Dyowa ni Ai Ai, mas type maging Delas Alas!

Regine Velasquez-Alcasid. Judy Ann Santos-Agoncillo. Marian Rivera-Dantes. Heart Evangelista-Escudero. Gerald Sibayan- De las Alas.

Gerald Sibayan-De las Alas? Gagawa ng kasaysayan sina Gerald at AiAi delas Alas kapag itinuloy nila ang plano na gagamitin ni Gerald ang family name ng Comedy Queen kapag ikinasal na sila sa December 12, 2017.

Of course, nagbibiro lang si AiAi pero nakakatawa ang sinabi nito tungkol sa biruan nila ni Gerald na gagamitin nito ang De Las Alas dahil mas may “power” ito.

“Gusto nga niya (Gerald) Delas Alas na rin ang apelyido niya. Sa ibang bansa, puwedeng ganoon.
“Sabi niya, ano kaya, ako na lang ang gumamit ng apelyido mo? Walang kadating-dating ‘yung akin. Patay lang ako kay Papa eh, kapag ginamit ko ang Delas Alas. Mas gusto ko ‘yon, may power ‘yun eh,” ang natatawa na kuwento ni AiAi tungkol sa wala lang na pag-uusap nila ng fiancée niya.

Sinabi ni AiAi na hindi pa nito iniisip ang tungkol sa pagpapalit ng apelyido niya sa mga dokumento tulad ng passport dahil mahihirapan siya sa pagpapalit.

Wala rin sa plano ng Comedy Queen na gamitin ang Sibayan surname sa kanyang mga show dahil hindi naman daw artista ang lalake na pakakasalan niya

Enrico at Ashley, ‘viral love team’!

Introducing sa Super Ma’am ang 22-years old aspiring actor na si Enrico Cuenca na gumaganap na co-teacher ni Marian Rivera sa primetime teleserye ng GMA 7 na nagsimula kagabi.

Na-discover si Enrico dahil sa television commercial nila ni Ashley Ortega para sa isang fastfood chain.

Bago pa siya pumirma ng kontrata sa GMA Artist Center, may dalawa nang pelikula na ginawa si Enrico, ang Spirit of the Glass 2 ng Octoarts Films International at Recipe for Love ng Regal Entertainment Inc.

“Sa Pilipinas ako ipinanganak but I went to US after Grade 6. Parang half of my life, nandito ako sa Pilipinas, half of my life, nasa US ako.

“The funny story is it was mainly not a plan (to be an actor). Initially, I just wanted to come back for a vacation kasi nag-graduate ako ng college. Gusto ko mag-unwind, gusto ko mag-relax.

“After that, my mom suggested na bumalik ako sa Pilipinas kasi I haven’t got back to the Philippines for a longtime.
“So after that, I met my Tita who hooked me up with the agency I’m working for now.

“What happened was I did a commercial with Ashley, sobrang nasu-surprise pa rin ako how big it got because when we were shooting it, very simple lang but it really struck a chord to a lot of people who watched it so sobrang grateful ako for that.

“After that, I got a call from GMA Artist Center. They wanted to work with me and I was lucky enough they gave me this project,” ang kuwento ni Enrico tungkol sa hindi sinasadya na pagpasok niya sa showbiz.

“Viral loveteam” ang pakilala ng GMA 7 sa tandem nina Enrico at Ashley dahil napansin sila nang husto sa commercial na ginawa nila para sa isang fastfood chain.