Una sa Balita

THE SOURCE: Sexiest woman Nadine Lustre ‘di masisisilayan sa sexy fashion show!

By
0 190

Si Nadine Lustre ang Sexiest Woman in the Philippines ng FHM for 2017  pero hindi magkakaroon ng big victory party  ang FHM kaya hindi masisilayan ng mga kalalakihan ang pagrampa niya sa stage.

No problem. #whisperalldaynocheck ♡ @joannagee

A post shared by Nadine Lustre (@nadine) on

Imbes na magdaos ng sexy fashion show tulad ng naging tradisyon ng mga nakaraang taon, autograph signing at meet-and-greet ang pinaplano ng FHM publisher para mabigyan ng pagkakataon ang mga bumoto kay Nadine na makita ito nang personal.

Dahil walang malaking selebrasyon ang 100 Sexiest Women ng FHM, may mga nagtatanong kung hindi rin magkakaroon ng Cosmo Bash ang Cosmopolitan, ang sister magazine ng FHM.

“ Not sure yet,” ang sagot ng Cosmo insider na tinanong namin dahil hindi pa sila nakakatanggap ng memorandum mula sa Summitmedia management, ang publisher ng FHM at Cosmopolitan.

Kung may sigurado, ito ay ang grand launch ng Most Beautiful ng YES Magazine sa second week ng July 2017 pero tikom ang bibig ng  YES staff sa aktor o aktres na pinili nila na Most Beautiful Celebrity at cover ng special edition ng matatag at credible na entertainment magazine.

Cristima Gonzales-Romulades, hopia sa pagbalik ni Justin Bieber sa Tacloban!

Konsehal pa lang at hindi pa mayor ng Tacloban City si Cristina Gonzales-Romualdez nang lihim na binisita ni Justin Bieber ang mga biktima ng Typhoon Yolanda noong December 2013.

Sikretong-sikreto ang pagdating ni Justin sa Tacloban City kaya hindi nagkaroon ng pagkakataon si Cristina at ang asawa nito, si then Mayor Alfred Romualdez na makita at mapasalamatan nang personal ang sikat na pop star na babalik sa ating bansa sa September 30, 2017 para sa kanyang Purpose Tour sa Philippine Arena.

“ You’ve changed my life” at “ the most touching trip of my life “ ang description noon ni Justin sa pagdalaw niya sa mga nasalanta ni Typhoon Yolanda na may international code name na Haiyan.

“I didn’t meet Justin but I met David Beckham, the handsome football player,” ang sabi ni Mayor Cristina nang makausap namin siya sa bisperas ng Sangyaw Festival ng Tacloban City.

“Ang guwapo niya pero maliit lang siya. He’ s not that tall. Chit chat lang ( ang pag-uusap namin ). He came here  (February 13, 2014 ) to visit the children for UNICEF for Valentine’s.

“When Bieber came here, it was so hush-hush. Maybe that time  I was in Manila coz I was not yet mayor at that time, baka I was going  back and forth.

Nag-basketball lang siya, itinatago kasi ng UNICEF but by the time nu’ng kay Beckham,sinabihan agad kami ng UNICEF.

“So lahat ng mga babae sa office, nagtakbuhan. Sasama kaming lahat, everybody was running to look at David,” ang natatawa na kuwento ni Mayor Cristina.

“Hopefully, “ ang sagot ni Cristina sa tsansa ng posibleng pagbalik sa Tacloban ni Justin pagkatapos ng concert nito sa Philippine Arena sa September 30.

Sofia, di pa-cute ayaw ng pa-bebe!

Aspiring singer si Sofia, ang panganay na anak nina Mayor Cristina at Alfred Romualdez na contract artist ng Viva Records.

Kasali si Sofia sa mga mall show ng Viva talents at kapag sinasamahan siya ni Mayor Cristina, hindi maiwasan na pagkaguluhan din ng mga tao ang alkalde na sikat na sikat noon na sexy actress.

“She’s continuing her career pero slowly lang siya kasi gusto niya, tinapos na niya ‘yung exam na isa tapos she’ s back in school in August,” ang kuwento ni Mayor Cristina tungkol kay Sofia.

“At the same time, she’s continuing her album. Ayaw niya na mag-artista now. Gusto niya, music lang.

She wants to be known for her music. Ayaw niya na to be known for just a pretty face. Ayaw niya nang ganoon. Iba ‘yung anak ko eh.

“She wants to be known more for her talent. Ang nangyayari kasi minsan, everybody just sings di ba?

“She writes her own song. She arranges and she wants to have a say…. so now, we are working on her album, may single na siya. She’s working on another album.”

Mas magaling sa’yo na musician si Sofia? ang tanong namin kay Mayor Cristina.

“ Wala ako diyan. Siya ‘yung may talent. Iba siya talaga. Artist talaga siya. Hindi siya ‘yung tipo na gusto lang basta sumikat. Hindi siya ganoon.

She’s the type na she prefers indie music. Ano ba ‘yung mga indie indie na ‘yan? Parang mas type niya ang mga ganoong music na out of the box.

“She’s not into the pa-cute-cute. Ayaw niya ng mga pabebe or whatever.

“She wants to study abroad. She wants Berklee ( College of Music in Boston ). May friend siya na musician na here who goes to Berklee. So she wants to go to Berklee in the future. She wants to produce.

“Gusto niya, even if she’s not sikat but she does the music that she likes, artist nga eh.

Better version of me. Si lolo, my dad, Jose Mari Gonzales, nagugulat siya kapag sinasabi ni Sofia na mag-set up ng recording studio, “ ang  pagbabahagi ni Cristina tungkol sa career path na gusto ni Sofia.

Helen Gamboa, mahilig maghalo
ng saging na saba sa mga ulam!

Ngayong gabi, 8 pm, ang pilot telecast sa Colours Channel ng Cignal TV ng From Helen’s Kitchen, ang cooking show ni Helen Gamboa.

Special guest ni Helen sa pilot episode ng From Helen’s Kitchen si Carmina Villarroel na bilib na bilib sa talent sa pagluluto ng asawa ni Senator Tito Sotto.

Minana ni Helen ang galing sa pagluluto mula sa kanyang pumanaw na ina na tubong Pampanga.

Napansin namin na mahilig si Helen sa gumamit ng saging na saba sa mga ulam na niluluto niya dahil isa ‘yon sa turo ng kanyang ina.

May plano na ipalabas sa TV5 ang From Helen’s Kitchen, ayon sa producer na si Perci Intalan pero mauuna na mapanood sa Colours Channel ng Cignal TV ang cooking show ni Helen.
                       

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More