THE SOURCE: SARAH, LOLA NA NI JAMES REID!

By

Apo ni Sarah Geronimo ang role ni James Reid sa local adaptation ng Miss Granny, ang blockbuster Korean comedy-drama film noong 2014. Napanood namin ang original version ng Miss Granny at hindi nagkamali ang Viva Films sa pagpili kina Sarah at James para sa mga karakter na gagampanan nila.

Ang Viva Films ang producer ng Miss Granny at masuwerte si Sarah dahil sa kanya ibinigay ang challen­ging role ng isang 74-year old grandmother na bumalik sa pagiging dalaga ang physical appearance.

Maganda at bagay kay James ang karakter niya bilang apo ni Miss Granny na member ng isang banda.

Hindi lamang ang shooting ng Miss Granny ang pagkakaabalahan ni James dahil may bagong movie project sila ni Nadine Lustre. Si James din ang gaganap sa re-imagined version ng Pedro Penduko, ang upcoming project ng Viva Films na may tentative playdate sa March 2018.

PAMILYADONG AKTOR AT CHARACTER ACTRESS,
BUKING ANG TIKIMAN!

Balik sa pagiging private citizen ang aktor na pinauwi sa Amerika ng kanyang misis dahil nadiskubre nito ang exchange of text messa­ges ng asawa niya at ng character actress na dating karelasyon ng isang sikat na action star.

Nagkasama ang aktor at ang character actress sa isang teleserye. Malakas ang hinala ng misis ng aktor na “nagkatikiman” ang kanyang asawa at ang character actress dahil sa mga text message na nabasa niya.

Binigyan ng ultimatum ni misis ang aktor na magpa-file siya ng divorce kapag hindi bumalik si mister sa Amerika. Walang choice ang aktor kundi sundin ang kagustuhan ng asawa niya kesa tulu­yan na mawasak ang kanilang pamilya.

Nag-migrate na noon sa US ang aktor pero nagbalik-Pilipinas dahil na-miss niya nang husto ang pag-arte. Nagkaroon siya ng mga movie at television assignment pero short-lived ang acting career niya dahil sa pahamak na mga text message ng character actress.

Buhay ni Espenido, pang-pelikula!

Bautista vs. Bautista ang headline ng mga television news program ng GMA 7 at ABS CBN sa mga report nila tungkol sa mala-teleserye pero real-life scandal ni Comelec Chairman Andres Bautista at ng kanyang misis na si Patricia.

Kahit magkaibang-magkaiba ang kuwento, tila may attempt na ikumpara sa 1979 movie na Kramer vs. Kramer ang nangyayari ngayon sa buhay ng Bautista couple na sooner or later, tiyak na gagayahin ang plot ng mga writer ng mga local teleserye.


Ngayong nauuso uli ang mga action film, hindi nakapagtataka kung may movie producers na makakaisip na isalin sa pelikula ang inspiring life story ni Ozamiz City Police Director Jovie  Espenido na makulay at maaksyon ang buhay.

Kilala si Chief Inspector Espenido bilang drug buster cop pero aktibo sila ng kanyang asawa bilang mga preacher sa Seventh Day Adventist Church na ibang-iba sa kanyang imahe na ma­tapang, galit sa illegal drugs at may banta sa narco-politicians na tigilan na ang  mga gawain na masasama.

SHARE