Una sa Balita

Sarah Geronimo, ‘shocking’ ang eksena sa ‘Granny’

By
0 232
Sarah Geronimo
Sarah Geronimo

Malapit nang umpisahan ang shooting ng Philippine adaptation ng Miss Granny, ang 2014 South Korean blockbuster comedy drama film na magkakaroon din ng remake sa India at Germany.

Si Sarah Geronimo pa rin ang bida sa Tagalog version ng Miss Granny at mula ito sa direksyon ni Joyce Bernal.

Ang Viva Films ang producer ng Miss Granny na sinasabi na turning point sa acting career ni Sarah dahil ibang-iba ang karakter na gagampanan niya na tiyak na ikagugulat ng kanyang conservative fans.

Aktor, lumayo sa bading na aktor dahil sa fake news

Tuluyan nang dumistansya ang aktor sa gay actor na kasamahan niya sa isang television show dahil sa isang blind item na lumabas at detalyado pero walang katotohanan.

Matagal nang pinagdududahan ang sexual pre­ference ng aktor na madalas na biktima ng mga tsismis na punumpuno ng malisya.

Nasaktan ang aktor sa kumalat na blind item tungkol sa rumored gay actor na lihim na nagkaroon ng relasyon sa boyfriend ng gay co-star niya sa tele­vision show.

Bigay na ­bigay ang mga clue sa blind item dahil kulang na lang na pangalanan ang mga sangkot na artista. Nadamay din sa blind item ang aktres na bida ng television show pero pinagtawanan lamang ang tsismis na walang katotohanan.

Ikinalungkot ng gay actor ang pagdistansya sa kanya ng aktor dahil mabait ito. Disappointed siya dahil bukod sa hindi totoo ang blind item, pinili ng aktor na putulin na ang pakikipagkaibigan sa kanya.

Hanggang ngayon, palaisipan sa gay actor ang pasimuno sa pagkalat ng blind item na detalyado pero hinding-hindi nangyari at sumira sa friendship nila ng aktor.

Pecto at Troy, agawan kay Carmina

Ang Road Trip ang comeback project ni Carmina Villarroel sa GMA 7 at sinundan ito ng Super Ma’am, ang primetime teleserye na pinagbibidahan ni Marian Rivera.

Si Carmina ang featured guest bukas sa Funny Or Yummy episode ng Dear Uge, ang Sunday afternoon comedy anthology ni Eugene Domingo sa Kapuso Network.

Gagampanan ni Carmina ang role ni Weng, ang biyuda na wala nang plano na magmahal muli pero magkasabay na niligawan nina Tony (Pecto Nacua) at Popoy (Troy Montero).

Sino ang pipiliin sa dalawa ang dilemma ni Weng, ang funny na si Tony o si Popoy na yummy pero walang personality.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More