Alamin kung bakit…

THE SOURCE: SAMANTHA, UMAYAW SA MILYONARYONG DYOWA!

By

Naririto sa Pilipinas si Samantha Lopez at matatagalan ang pamamalagi niya sa bansa dahil sa mga negosyo na kanyang aasikasuhin.

Nang makausap namin si Samantha, sinabi nito na wala na sa plano niya na manirahan nang permanente sa Pilipinas dahil sanay na siya sa kanyang pamumuhay sa New York.

Excited si Samantha sa pag-uwi niya dahil sa kanyang apo na si Lucas. Natutuwa si Samantha dahil naiintindihan na ng kanyang anak na si Kaye ang desisyon niya noon na mangibang-bansa para mabigyan ng magandang kinabukasan ang pamilya nila.

Hindi ipinagkaila ni Samantha na naging “estranged” sila ng kanyang nag-iisang anak dahil sa pasya niya na hanapin ang kapalaran sa New York.

Hindi namin malilimutan ang legal battle noon ni Samantha dahil sa pagnanais  na makuha ang custody ni Kaye  mula sa lola nito sa father side. Maraming gabi na iniyakan ni Samantha ang insidente.

Iba na ngayon ang sitwasyon dahil nanay na rin si Kaye at nauunawaan na niya ang mga sakripisyo ng kanyang ina.

“Dati-rati, kailangan pa namin na mag-out of town kapag umuuwi ako mula sa New York para magkaroon kami ni Kaye ng bonding time.

Mula nang maging nanay na siya, naging close na kami at madalas na ang pag-uusap namin dahil tawag siya nang tawag sa akin,” ang kuwento ni Samantha na priority ngayon ang kanyang anak at apo.

Noong 2015, inamin ni Samantha sa publiko na hiwalay na sila ng kanyang rich American husband na si Warren Edwards dahil sa irreconcilable differences.

What an amazing weekend….. #puertorico #dorado #ritzcarlton #destiny #inlove ❤️❤️❤️

A post shared by Samantha Lopez-Edwards (@samanthalopeznyc) on


Buhay-reyna si Samantha sa piling ni Warren pero mas pinili niya na mamuhay nang normal dahil hindi na siya masaya.

Sikat sa New York ang high-end shoe store ni Warren na naapektuhan nang husto nang hiwalayan siya ni Samantha.

Walang third party sa relasyon ng dalawa at  maraming beses na sinubukan ni Warren na suyuin si Samantha para bumalik ito sa kanya pero nabigo siya.

Isa si Samantha sa mga showbiz personality na hinahangaan namin dahil masipag, mabait, masikap at higit sa lahat, survivor siya.

Saksi kami sa mga pagsubok na pinagdaanan ni Samantha noong active pa ito sa showbiz at nang mag-migrate siya sa Amerika. Dahil fighter at matiisin, nalampasan niya ang mga naranasan na personal crisis.

SHARE