Una sa Balita

THE SOURCE: RUSSIAN ACTRESS, LOVE NA LOVE ANG PILIPINAS AT SI MRS. MARCOS! 

By
0 10
Natalya at Cory

Nakausap namin si Cory Quirino noong Biyernes, February 10, sa opening ng From Russian Soul with Love, ang art exhibit sa Cultural Center of the Philippines ng Russian actress, writer at historian na si Natalya Bronzova.

Limang taon nang naninirahan sa Pilipinas si Bronzova dahil nagustuhan nito ang ating bansa na itinuturing niya na pangalawang tahanan.

Sa sobrang pagmamahal ni Bronzova sa Pilipinas, sumulat siya ng libro, ang The Philippines: The Country of Kindness and Gratitude.

Idol na idol ni Bronzova si former First Lady Imelda Marcos mula pa noong bata pa siya. Si Marcos ang isa rin sa mga dahilan kaya pumunta sa Pilipinas si Bronzova para magkakilala sila nang personal at para patunayan na walang katotohanan ang mga paninira na nababasa niya tungkol sa da­ting unang ginang.

Natupad ang pangarap ni Bronzova at ang libro na Imelda Marcos: True, Good & Beautiful na isinulat niya na diumano’y pruweba ng mga kabutihan ng kanyang hinahangaan na Filipino personality.

“I’m very honored to know Imelda,” ang sabi ni Bronzova  na isinilang sa Russia pero dinala raw siya ng kanyang kapalaran sa Canada at sa Pilipinas.

Nagpapasalamat si Bronzova sa former beauty queen na si Jewel May Lobaton–Pimentel (Bb. Pilipinas Universe 1998) dahil ito ang tumulong para maganap ang art exhibit niya sa Cultural Center of the Philippines na another dream come true para sa kanya dahil project ni Mrs. Marcos ang building na ipinatayo nito noong 1969.

By the way, matagal ng hiwalay si Jewel at ang asawa nito na si Senate President Koko Pimentel pero ginagamit pa rin niya ang family name ng kanyang mister.

“Wild…” na Maja, ngayong gabi na!

Ngayong gabi ang pilot telecast ng Wildflower, ang drama series ng ABS-CBN na pinagbibidahan ni Maja Salvador. Mapapanood ang Wildflower bago magsimula ang TV Patrol kaya mali ang mga unang report na ang teleserye ni Maja ang ipapalit ng Kapamilya Network sa timeslot ng Doble Kara na nagwakas noong Biyernes.

Co-stars ni Maja sa Wildflower sina Aiko Melendez, Wendell Ramos, RK Bagatsing, Joseph Marco at Tirso Cruz III.