Una sa Balita

THE SOURCE: PIA, PERFECT SA ‘DIOSA’!

By
0 7

Bilang sariling tribute sa pumanaw na multi-awarded writer na si Jake Tordesillas, pinanood namin ang mga pelikula na siya ang sumulat ng kuwento at screenplay tulad ng Diosa.

Ang Diosa ang 1982 movie ni Lorna Tolentino sa Regal Films at leading men niya sina Lloyd Sammartino at Alfie Anido.

Ipinalabas ang Diosa sa mga sinehan noong August 13, 1982 at isa ito sa mga pelikula ni Lorna na hindi nakakasawa na panoorin nang paulit-ulit, gaya ng Karma, ang 1981 movie ng Star for All Seasons na si Vilma Santos.

Ang Diosa ang last movie ni Alfie Anido na binawian ng buhay noong December 30, 1981.

Hindi natapos ni Alfie ang mga eksena niya sa pelikula kaya ginawan ito ng paraan ng direktor na si Maryo J. delos Reyes.

Nang sabihin sa amin ni Jonas Gaffud ang ba­lak na ipag-produce ng pelikula si Pia Wurtzbach, sinabi namin sa kanya i-consider ang remake ng Diosa dahil bagay sa former Miss Universe ang karakter na ginampanan noon ni Lorna.

Tungkol sa diwata ng mga alitaptap na ninakawan ng mga alahas ng isang Spanish soldier matapos ang kanilang pagtatalik at sumumpa na gagantihan ang male descendants ng sundalo sa pamamagitan ng bayolente na pagkamatay ang kuwento ng Diosa.

Isa lamang ang Diosa sa maraming pelikula (Bagets, Kaya Kong Abutin ang Langit, Annie Batungbakal, Pepe En Pilar, among others) na certified blockbuster at collaboration nina Jake at Maryo.

PIA W., BIBIDA SA ‘LUCIA’!

Hindi pa nagsisimula ang shooting ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach para sa The Revengers, ang official entry ng Star Cinema sa Metro Manila Film Festival 2017 dahil ina­ayos na mabuti ang kontrata niya sa movie outfit ng ABS CBN.

Daghang salamat 👑 #QueenCityOfTheSouth

A post shared by Pia Wurtzbach | Miss Universe (@piawurtzbach) on

Mahigpit ang kontrata ni Pia dahil kasali sa mga desisyon sa career niya ang IMG, ang mo­del management firm sa New York. Co-manager ng IMG ang Mercator, ang artist at model management company ni Jonas Gaffud.

Gusto ng IMG na pulido at walang mga loophole ang lahat ng mga kontrata sa mga product endorsement, television at movie assignments ni Pia.

Ang The Revengers ang third movie at first lead role ni Pia dahil mga suporta ang ginampanan niya sa Kung Ako Na Lang Sana (2003), All My Life (2003) at All About Love (2006).

May plano rin si ­Jonas na mag-produce ng solo movie ni Pia na may tentative title na Lucia, ang single ng duo nina Yheen Valero at Yuki Zakamoto, ang mga bagong talent ng Mercator.

Potential hit ang ­Lucia dahil sa haunting melody at lyrics nito. Ayon kay Yuki, personal favorite niya ang Lucia.

PIA, KYLIE AT MEGAN, TUTULONG
SA MARAWI VICTIMS!

Former members sina Yuki Zakamoto at Yheen Valero ng boyband na 1:43, ang kumanta ng hit song na Sa Isang Sulyap Mo.

Ni-repackage at ni-reinvent ni Jonas ang image ni Yuki kaya ibang-iba na ang itsura nito nga­yon kung ikukumpara sa physical appearance niya noong miyembro pa siya ng 1:43.

Ex-member si Yheen ng Down to Mars, ang P-Pop boyband na mainstay ng defunct Sunday program na Party Pilipinas bago siya napasali sa 1:43.

Si Yheen ang inirekomenda ni Yuki kay Jonas nang maghanap ito ng singer/rapper para sa duo na binubuo niya.

Biggest break nina Yheen at Yuki ang 66th Miss Universe na ginanap sa bansa natin noong January 30, 2017 dahil sila ang naimbitahan na mag-perform sa mga regional show na dinaluhan ng official candidates.

Sa launch ng kanilang self-titled debut album, ikinuwent­o nina Yheen at Yuki ang malalaking plano sa kanila ni Jonas tulad ng world tour, kasama ang mga international beauty queen na sina Pia Wurtzbach, Miss World 2013 Megan Young at Miss International 2016 Kylie Verzosa.

Ang mga bata na biktima ng giyera sa Marawi City ang beneficiary ng world tour na binabalak ni Jonas.

Excited na ibinalita ni Yheen na kasama sila ni Yuki sa cast ng The Reverengers, ang pelikula ni Pia na official entry sa Metro Manila Film Festival 2017.