Una sa Balita

Source ng Bossing Tumador Lambanog, natunton sa Quezon

By
0 924

NATUNTON ng mga awtoridad ang pinagmulan ng Bossing Tumador Lambanog na siya umanong ininom ng mga namatay sa Sta. Rosa City at sa Calamba, Laguna noong isang linggo.

Kamakalawa nang umaga, kasama ng Sta. Rosa City at Candelaria police ay pinuntahan na ng mga tauhan ng Regulatory Enforcement Unit at field office inspector ng Food and Drugs Administration (FDA) ang isang bahay sa Candelaria, Quezon na siyang nagdi-distribute at gumagawa ng Bos­sing Tumador Lambanog.

Boluntaryong ipinakita ng may-ari sa mga awtoridad ang kanyang mga nakaimbak pa na produkto at mga bote ng lambanog.

Ayon sa may-ari, anim na taon na ang kanyang negosyong lambanog at nagde-deliver siya sa Cavite, Laguna at sa Rizal.

Kumpleto din umano siya sa mga permit mula sa barangay, business, sanitary at Department of Trade and Industry (DTI) subalit hindi umano siyang rehistrado sa FDA dahil hindi niya alam na kailangan pa ang registration noon.

Nalulungkot umano siya nang mabalitaan ang nangyari sa mga uminom ng kanyang lambanog kaya noon pa man ay pan­samantalang itinigil na niya agad ang pagbebenta at paged-deli­ver sa kanyang mga kostu­mer sa ibang probinsya.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy