Una sa Balita

THE SOURCE: MENSAHE KAY JUDAY: “ANG MGA PINOY, GALIT SA WALANG UTANG NA LOOB!” — ALFIE LORENZO

By
0 220

alfie-ryan-judayMay reaksyon ang entertainment columnist at talent manager na si Alfie Lorenzo tungkol sa pahayag ni Judy Ann Santos na kumalas na ito sa poder niya noong August 2016.

Kinumpirma ni Lorenzo na pinuntahan siya ni Judy Ann sa condominium unit niya sa Quezon City para pormal na magpaalam at hindi na siya nagulat sa ginawa ng aktres.

In fact, awa raw ang naramdaman niya para kay Judy Ann dahil sa posibleng mangyari sa career nito.

“Ang reaksyon ko, naaawa ako. Sikat na siya eh. Sikat na siya, bakit naghangad pa siya na malaos? Kasi ako ang may lutong Kapampangan, ‘yung mga makikialam na iba sa aking sangkap, maiiba ang luto, maiiba ang lasa,” ang makahulugan na pahayag ni Lorenzo.

“Sa tagal ko na sa showbiz, more than sixty years na ako, nakita ko na lahat ng pag-uumpisa nila, ­na-compare ko na lahat.

“Biro mo, extra pa lang si Fernando Poe, Jr., ­nagdo-double pa lang siya sa babae, nandoon na ako. Lahat na, nakita ko na. Na-analyze ko na kung ­papaano sisikat, lulubog.

“Naaawa lang ako kay Judy Ann dahil ­siguro akala niya, siya ang nagdesisyon, magtutuluy-­tuloy pa rin ang kasikatan niya,” ani Lorenzo.

‘Komisyon’ ang mabilis na sagot ni Lorenzo nang itanong  namin ang posibleng dahilan ng pagkalas sa kanya ni Judy Ann.

“Nanghinayang siya sa komisyon, sa dami nga ng mga ­pumapasok sa kanya ngayon na ­commercials, sayang ­naman kung magbibigay pa siya ng komisyon sa akin, ‘di ba?

“Kung siya na lang ang kakausap sa mga advertiser, kanya na rin ang komisyon. Okey lang, nakita ko na ‘yan eh.

“Ganoon lahat ng nasaksihan ko, na-analyze ko, na-interpret ko na ­ginawa ng mga artista, talagang darating at darating ‘yon.

“Lahat ng mga alaga kong babae, kapag nag-asawa na, sige, i-drop ko na. Siya, nakiusap sila ni Ryan Agoncillo, two days bago sila magpa­kasal.

“Na huwag ko siyang bitawan kahit kasal na. ’Yun na lang daw ang wedding gift ko sa kanila, eh ‘di sige.

“Kasi nga, binitiwan ko lahat ‘yan. Si Ruffa ­Gutierrez, si Gretchen Barretto, si Sunshine Cruz. Lahat ng mga babae, binitawan ko.

“Ako ang bumibitaw sa kanila. Hindi ako ang ­naglalaglag.

“Si Judy Ann, nagulat ako, 32 years, nilaglag ako. Nakiusap pa nga sila, tapos sabi niya, hindi raw siya ang nagsabi no’n, si Ryan daw ang nakiusap.

“Sabi ko, kanino nagpakasal si Ryan? Sa ­Philippine Rabbit o sa bulldog?

“Si Ryan naman, ander da saya ba siya, bakit ­hindi man lang niya ina-advise ang asawa niya? Sabihin niya na huwag mong gagawin ‘yan?

“Ako nga stalker ni Ryan mula sa GMA News sa umaga hanggang malipat sa ABS-CBN, hanggang nabigyan siya ng mga teleserye, tapos isina­sama ­namin sa abroad para mga show hanggang magkapangalan siya.

“‘Di ba dapat e i-advise niya ‘yung asawa niya na huwag mo nang gawin ‘yon, huwag mo nang i-drop. Kapag naisipan natin na maglimos, padalhan.

“You’re making a big thing of 32 years na pagsasama n’yo tapos ida-drop mo kaya nga sabi ko, sana huwag mangyari sa kanila ‘yon.

“Sa 32 years, kilalang-kilala ko na si Judy Ann kaya nga hindi ko alam kung saan nanggaling ito. Baka ‘yung mga nakadikit sa kanya na dumikit sa kanya ngayong sikat na siya.

“Nasaan ba sila noong hindi pa siya sikat? ­Nasaan ba sila noong ako ang nangungupahan ng bahay para sa kanya? Ipinagagamit ko ang van ko hanggang siya mismo, tinalbugan niya ako. Nakabili siya ng ­RoadTrek…”

May mensahe ba siya para kay Judy Ann?

“Anong message ko eh it’s all written in the wind na? Kagaya ng ibang mga galit kay Juday, may mga sinasabi. Mga ipinapaabot ng mga nakikiramay.

“Sabi ko, naku hayaan n’yo na. Hindi naman maaapektuhan ang beauty ko. Wala pa nga si Juday, buhay na ako. I’ve been spending already.

“‘Yung sinasabi nila, iniwan ka na, lahat ganoon. Sabi ko, hindi. Creation ko ‘yan. Kung gusto ko ‘yan na patayin, right now, mamamatay na ‘yan kasi alam mo naman ang mga Pilipino, galit sila sa mga walang utang na loob.

“Pinalaki mo sila ng 32 years tapos basta ka na lang iiwan. Sila nakiusap na huwag silang bibitawan tapos ako pala ang ilalaglag, masisira siya. Pati sa mga advertisement niya, masisira siya.

“Nilikha ko siya, bakit ko sisiraan. Huwag na lang, hayaan n’yo na,” ang pahayag ni Lorenzo.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy