THE SOURCE: MALE SHOWBIZ PERSONALITY, BITTER PA RIN SA PAGKATSUGI NG SHOW NIYA!

By

Masyadong dinamdam ng male showbiz personality ang pagkawala ng kanyang television show at dahil siguro sa sobrang sakit, nagawa niya na burahin sa memorya ang mga dating kasamahan sa programa.

Hindi sinasadya na nagkita sa isang mall ang showbiz personality at ang former staff member ng axed show niya.

Dahil matagal na hindi nagkita, excited na binati ng dating staffer ang showbiz personality pero ikinagulat niya ang “Do I know you?” na reaksyon ng huli.

Sa pag-aakala na nagkaroon lang ng ‘senior moment’ ang showbiz personality dahil hindi na sila nagkita mula nang magsara ang kanilang television show, nagpakilala ang staffer na muling nabigla dahil sa sagot na kanyang narinig: “Excuse me, I don’t know you!”

May mga kasama na kaibigan ang former staff member kaya napahiya siya sa naging trato sa kanya ng showbiz personality na may talent na burahin ang nakaraan, lalo na ang mga insidente na nagbigay sa kanya ng sama ng loob.

Shirley at 82, may ibubuga pa rin sa pag-arte! 

Active na muli ngayong 2017 sa film distribution ang Star Cinema at ang blockbuster movie na Kung Fu Yoga na pinagbidahan ni Jackie Chan ang unang ni-release nila sa Pilipinas noong February 1.

Hindi nagkamali ang Star Cinema dahil matagal na ipinalabas sa mga sinehan ang Kung Fu Yoga.

Ang The Last Word ang next movie ng Star Cinema na isang heart warming movie na tinatampukan ng veteran actress na si Shirley MacLaine at Amanda Seyfried.

Mali ang mga akala na isang religious film ang The Last Word dahil sa pamagat nito at sa papalapit na Holy Week.

Tungkol sa control freak businesswoman na si Harriet (Shirley) at sa obituary writer na si Anne (Amanda) na pinagtagpo ng pagkakataon ang kuwento ng The Last Word.


Isang kakaiba na klase ng pagkakaibigan ang nabuo sa pagitan nina Harriet at Anne, kahit magkasalungat ang mga paniniwala nila sa buhay.

Sa edad na 82, pinatunayan ni Shirley na may ibubuga pa rin siya sa pag-arte dahil sa kanyang mahusay na pagganap bilang Harriet sa The Last Word.

Si Shirley ang best actress ng Oscar Awards noong 1984 para sa performance niya sa Terms of Endearment.


SHARE