Una sa Balita

THE SOURCE: MAJA, ABSWELTO SA ‘PANG-AAPI’ KAY ROXANNE!

By
0 3

Panay ang post ni Roxanne Barcelo sa social media ng mga litrato nila ni Maja Salvador na kuha sa set ng Wildflower bilang patunay na magkaibigan­ sila.

Nang ipagtapat ni Roxanne sa Abante na biktima siya ng bullying ng isang aktres na mas bata sa kanya, marami ang nag-akala na si Maja ang tinutukoy niya.

Mali ang hula dahil ibang personali­dad at hindi si Maja ang nang-api sa lead actress ng I Found My Heart in Santa Fe. In fact, hindi ka-level ni Maja ang kapwa artista na tinutukoy ni Roxanne.

Inamin ni Roxanne na sinadya niya na i-post sa social media ang mga litrato nila ni Maja para matigil na ang mga walang katotohanan na espekulasyon.

Ai Ai, may pa-party kay Virgin Mary!

Marian devotee si Ai Ai delas Alas kaya taun-taon, hindi niya nakakaligtaan na magkaroon ng misa tuwing September 8, ang kaarawan ni Blessed Mother Virgin Mary.

Buong-buo ang paniniwala ni Ai Ai na ang debosyon niya sa Mahal na Ina ang dahilan kaya pinagpapala siya at nalalampasan ang mga pagsu­bok na dumarating sa kanya.

Ang panata at ang tradisyon niya na pagpapamisa para sa kaarawan ng Blessed Virgin Mother ang isang dahilan kaya hindi umaalis ng bansa si Ai Ai tuwing September 8.

Yum Jung-ah, Queen of Horror movies!

Dalawang pelikula ng Star Cinema ang ipalalabas sa September 13, ang Loving in Tandem, ang launching movie nina Maymay Entrata at Edward Barber at ang The Mimic, ang South Korean horror- thriller film na pinagbibidahan ni Yum Jung-ah.

Magkaiba ang genre ng mga nabanggit na pelikula kaya walang conflict ang magkasabay na playdate ng Loving in Tandem at ng The Mimic.

Active na uli ang Star Cinema sa foreign films distribution at ang The Mimic ang isa sa maraming foreign movies na ire-release nila sa Pilipinas. 

Si Enrico Santos ang Vice President for New Media, Content Development and Acquisitions ng Star Cinema at siya ang in-charge sa pagpili at pagbili ng foreign films.

Ibinigay ni Enrico ang complete assurance na magugustuhan ng mga Pinoy ang The Mimic dahil sa kakaiba na kuwento nito.

Nagbukas sa mga sinehan sa South Korean noong August 17 ang The Mimic at certified blockbuster ito.

Bago pa nagkaroon ng local release ang pelikula, naibenta na ito ng Next Entertainment World sa 122 countries.

Ibinalita ni Enrico na  tinalo ng The Mimic sa box office sa ibang Asian countries ang horror movie na kasabay nito, ang Annabelle: Creation.

Jangsanbum ang Korean title ng The Mimic. Jangsanbum ang tawag ng mga Koreano sa mysterious creature na may kakayahan na manggaya ng boses ng mga tao.

“The best commercial Korean horror film” ang papuri ng Korean film critics sa The Mimic na mula sa direksyon ni Huh Jung, ang direktor ng critically-acclaimed movie na Hide and Seek, ang kanyang feature directorial debut.

Lead star ng The Mimic si Yum Jung-ah, ang kinikilala na Queen of Horror Movies sa Korea.

Sumali si Yum Jung-ah sa Miss Korea contest noong 1991 at siya ang tinanghal na first runner-up.

Hindi man nanalo si Yum Jung-ah, ang pagsali niya sa national beauty pageant ang naging daan para maging artista siya.

Ang A Tale of Two Sisters (2003) ang memorable suspense-thriller movie ni Yum Jung-ah na multi-awarded actress sa South Korea.