Una sa Balita

THE SOURCE: Kathryn, Daniel “most beautiful celebrities” ng YES Magazine

By
0 2

Tinanghal sina Da­niel Padilla at Kathryn Bernardo bilang Most Beautiful Celebrities ng Most Beautiful 2017 edition ng YES! Magazine.

Ginanap kagabi sa isang hotel sa Quezon City ang unveiling ng Most Beautiful List, ang annual event ng leading entertainment magazine ng bansa.

Ilan sa mga kasama sa listahan ng Most Beautiful sina Karla Estrada, ang Queen Mother, Kris Aquino, ang Unbreakable Star, si Pen Medina at ang kanyang mga anak na sina Ping, Alex, Karl at Victor.

***

Kasabay ng unveiling kagabi ng Most Beautiful List edition ng YES! ang red carpet premiere ng Bloody Crayons, ang suspense-thriller movie ng Star Cinema na magbubukas ngayon sa mga sinehan.

Paulit-ulit na ipinakikita sa mga programa ng ABS-CBN ang trailer ng Bloody Crayons na ma­lakas ang impact dahil isang 7-year old grade 2 pupil ang nagtanong sa amin kung totoo na nakakatakot na maglaro ng Bloody Crayons dahil naging popular game ito sa kanyang mga kaklase mula nang mapanood nila sa TV ang trailer ng pelikula.

Ipinaliwanag namin sa natatakot na bata na kathang-isip at pelikula lang ang Blood Crayons kaya walang dahilan para kabahan siya.

Ang reaksyon ng bata sa trailer ng Bloody Crayos ang pruweba ng malakas na impluwensya ng telebisyon sa mga kabataan kaya kailangan talaga ang mahigpit na patnubay ng mga magulang.

Jake Tordesillas ginawaran ng posthumous award

Nabalot ng katahimikan at lungkot ang Kia Thea­tre nang umakyat sa stage ang direktor na si Maryo J.delos Reyes at si Honey Tirona, ang kapatid ni Jake Tordesillas, nang tanggapin nila ang posthumous award para sa multi-awarded writer na pumanaw noong June 30, 2017.

“ We are in grief for the loss of a dear friend, partner, co-writer, co-team member, brother..lahat-lahat na. Hindi po matatawaran ang kanyang kontribusyon sa industriya ng pelikula at ng telebisyon. Siya po ang nagbigay sa atin ng mga pelikulang Bagets 1, Bagets 2, Annie Batungbakal, Mga Kuwento ni Lola Basyang…television shows na kanyang akda.

“Mga estudyante at mga writers na kanyang minentor at tinulungan. Nagpapasalamat po ang pa­milya ni Jake Tordesillas, kasama ko po ang kanyang kapatid na si Honey Tordesillas at lahat po kami sa pamilya, mga kaibigan, ay nagluluksa sa kanyang pagkawala ngunit sa aking mga alaala, ang kanyang mga alaala ay mananatili sa aking puso dahil sa kanyang mga ginawang pelikula, akda sa telebisyon at sa mga tao, sa mga puso na kanyang na-touch ng kanyang mga napagdaanan.

“Maraming salamat po sa Eddys sa pag-recognize ng kanyang talino at buong puso naming tinatanggap ito.

Ang kanyang pagmamahal at simpatiya ang aming magiging lakas para ipagpatuloy ang kanyang mga naiwanan,” ang tagos sa puso na pa­sasalamat ni Direk Maryo sa mga nagbigay ng parangal kay Jake.