Una sa Balita

THE SOURCE: KAMAG-ANAK NG ALLEGED VICTIM NI NOVEN BELLEZA, MAPAPEL AT SABIK SA PUBLICITY!

0 101

Nagsampa na ng reklamo ang alleged sex assault victim ng It’s Showtime Tawag ng Tanghalan Grand Champion na si Noven Belleza kaya hindi na dapat magpainterbyu o magsalita ang mga tao na walang direkta na kinalaman sa kaso.

Nag-post sa Facebook at nagpainterbyu sa mga reporter ang kamag-anak ng boyfriend ng alleged victim tungkol sa mga nalalaman niya sa diumano’y pang-aabuso na ginawa ni Belleza.

Maituturing na hearsay lang at hindi credible ang kuwento ng kamag-anak ng boyfriend ng alleged victim dahil hindi naman niya nasaksihan ang buong pangyayari.

Tsismosang-tsismosa lang ang peg ng source dahil narinig lamang nito mula sa boyfriend ng biktima ang impormasyon na ibinahagi niya sa media.

Hawak na ng  korte ang kaso kaya hindi na dapat nakikisawsaw sa kontrobersya ang mga walang kinalaman dahil nakakagulo lamang ang kanilang mga pahayag.

Nang mabasa namin ang statement ng nagmamarunong na kamag-anak ng boyfriend ng alleged victim, malinaw na maraming butas ang kanyang kuwento na hindi makakatulong sa complainant at sa mga witness nito.

Hindi nag-iisip ang mapapel at sabik sa publicity na kamag-anak ng alleged victim dahil imbes na makatulong, nakakasira siya at binibigyan pa niya ng dahilan ang publiko para makisimpatiya kay Belleza.

JESSICA SOHO, LAKAS MAGPAIYAK…

Ang respected broadcast journalist na si Jessica Soho ang cover girl ng July 2017 edition ng Kapuso, ang official magazine ng GMA Network Inc.

Nagkita kami ni Jessica noong Martes at sinabi namin sa kanya na marami ang muling pinaiyak ng nakaraan na episode ng Kapuso Mo Jessica Soho, ang My Korean Sons, ang paghahanap ni Felicidad Reyes ng Dingalan, Aurora sa dalawang  anak na lalake na naiwan niya sa South Korea nang maghiwalay sila ng kanyang Korean husband na si Lee Sang So.

Ang anak na bunso ni Reyes na si Jayson Lee na dinala niya sa Pilipinas ang nagpadala ng sulat sa KMJS at humingi ng tulong para matagpuan ang kanyang mga kapatid.

Unang nahanap ng KMJS staff si Minda Baguete, ang Pilipina na dating kapit-bahay ni Reyes sa Korea.

Si Minda ang nagkuwento kay Reyes tungkol sa malaking tampo ng panganay na anak nito na si Seung Hee aka Francis dahil inabandona sila ng kanilang ina.

Sa tulong naman ni Maria Claripel Dizon, isang Pilipina na naninirahan sa South Korea, natunton ng KMJS staff si Seung Hee kaya nagkaroon ng komunikasyon ang mag-ina sa pamamagitan ng pag-uusap sa laptop computer.

Itinanggi ni Seung Hee na hindi totoo na may tampo siya kay Reyes dahil naiintindihan niya ang mga nangyari (isang halimbawa na mas mahalaga na marinig ang opinyon ng tao na sangkot sa isyu, hindi ang kuwento ng mga nakikisawsaw sa gulo tulad ng pagsasalita ng isang walang direktang kinalaman sa pang-aabuso na ibinibintang sa singer na si Noven Belleza).

Once again, pinaluha ng programa ni Jessica ang televiewers dahil nahanap ng isang ina ang kanyang mga anak na labing-anim na taon nang hindi nakikita.

Tanging si Francis lamang ang nakausap ni Reyes dahil wala si Jin Hee o John, ang pangalawang anak niya na miyembro na ngayon ng B-Boys, isang sikat na dance group sa South Korea pero importante na may komunikasyon na sila.

Nang magkita kami ni Jessica noong Martes, itinanong namin kung may plano ba siya na pagtagpuin nang personal ang mag-iina at tatanungin niya ang magkabilang-panig ang kanyang sagot.

Forte na ng top rating Sunday night program ni Jessica na tulungan ang mga tao na naghahanap sa kanilang mga nawawala na mahal sa buhay at nagtatagumpay sila kaya pati ang mga naghahanap ng makakarelasyon, nagbiro na hihingin na rin  nila ang tulong ng Kapuso Mo Jessica Soho.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy