THE SOURCE: Joey, naalarma sa ‘married’ status ni Mark Herras!

By

Itinanggi ni Winwyn Marquez ang balita na kasal na sila ng kanyang boyfriend na si Mark Herras.

Nagkaroon ng haka-haka na lihim na nagpakasal ang dalawa dahil sa married status na nakalagay sa social media account ni Mark.

“He just wants to say we’re married but we’re not married,” ang walang paliguy-ligoy na paliwanag ni Winwyn nang makausap namin siya.

Ikinuwento ni Winwyn na naalarma ang kanyang mga magulang sa kumalat na balita.

Nalaman lang ng ama ni Winwyn na si Joey Marquez ang isyu nang tanungin siya ng entertainment press.

Ayon kay Winwyn, nakatanggap siya ng phone call mula sa tatay niya na parang nagagalit na nagtanong kung bakit itinatago nila ni Mark ang kanilang pagpapakasal.

Ipinaliwanag ni Winwyn kay Joey na walang katotohanan ang tsismis at binigyan niya ng assurance ang kanyang ama na ito ang unang makakaalam kapag nagdesisyon sila ni Mark na lumagay sa tahimik.

Special gift kay Marie!

Sina Winwyn, Mark at Rafael Rosell ang invited celebrity guests sa wine tasting dinner at launch ng Marie Antoinette red wine na ginanap sa Sofitel noong Sabado.

Ang Liquor Kingdom ang exclusive distributor sa Pilipinas ng Marie Antoinette, Reverence at Pomerol wines na mula pa sa Bordeaux, France.

Ang newly-wed couple na sina Marie Antoinette Nisce-Ngo at Rudy Ngo ang may-ari ng Liquor Kingdom.


Nang ikasal sila noong June 23, 2017, ang red wine na ipinangalan niya sa kanyang bride ang isa sa mga surprise gift ni Rudy kay Marie Antoinette.

Mga principal sponsor sa church wedding ng Ngo couple sina Manila City Mayor Joseph Estrada at Viva Entertainment big boss Vic del Rosario, Jr.

Positive ang reviews sa mga wine na ipinatikim nina Rudy at Antoinette sa mga bisita nila.

Special guest din sa wine tasting dinner si Emeric Petit, ang may-ari ng Chateu Lecuyer, ang manufacturer ng Marie Antoinette, Reverence at Pomerol wines.

Si Rudy ang nag-imbita na bumisita sa Pilipinas si Petit para ito ang personal na magpakilala sa mga Pilipino tungkol sa mga bagong produkto ng Liquor Kingdom.

SHARE