THE SOURCE: JERIKA EJERCITO, IKINASAL NOON?

By

Miguel at Jerika
Miguel at Jerika

Ang kanyang Spanish fiancé na si Miguel Aguilar Garcia ang escort ni Jerika Ejercito sa 80th birthday party ng kanyang ama, si Manila City Mayor Joseph Estrada, na ginanap sa Fiesta Pavilion ng Manila Hotel noong April 19.

Nakita namin na personal na ipinakilala ni Jerika ang kanyang mapapangasawa kay Eddie Garcia at sa ibang mga bisita ng tatay niya.

Nangyari sa The Dead Sea sa Jordan ang proposal ni Garcia kay Jerika noong April 12, 2017 at plano nila na magkaroon ng civil wedding sa Aug­ust o September 2017, bago sila magpakasal sa simbahan.

Hindi artista si Jerika pero kontrobersyal din siya tulad ng kanyang ama at ina, ang former actress na si Laarni Enriquez.

Laman noon ng mga gossip column ang relasyon ni Jerika kay Bernard Palanca, ang pagkakaroon nila ng anak na lalake at ang kanilang paghihiwalay.

Hindi namin alam kung aaminin o aakuin ni Jerika kung one and the same person siya at ang Maria Jerika Larize Ejercito na nagpakasal sa Amerika sa isang Patrick Daniel Rosales Lyttle, Jr.

Nakalagay sa marriage records ng Clark County na civilly wed (with marriage certificate number 20070611000468530) sina Maria Jerika at Lyttle, Jr. noong June 12, 2007 sa Las Vegas.

EULA, PINATAY NA NG GMA 7!

Pinatay noong Miyerkules ang Hara Avria character ni Eula Valdes sa Encantadia ng GMA 7 pero walang kinalaman sa nangyari ang television series na gagawin niya sa ABS CBN.

Isang buwan lamang talaga ang commitment ni Eula sa Encantadia at humaba nang humaba ang participation niya dahil naging popular ang kanyang contravida role sa viewers ng top-rating telefantasya ng Kapuso Network.

BIDA NI BRILLANTE, MGA HINDI SIKAT!

Ngayong gabi, 9:30 pm, ang telecast sa TV5 ng Brillante Mendoza Pre­sents: Pagtatapos.


Tungkol kay Shaira na ginagampanan ng baguhang aktres na si Gabby Padilla, ang kuwento ng Pagtatapos.

May sagot si Mendoza tungkol sa obserbasyon na mga hindi sikat na artista ang mga bida sa kanyang monthly special sa TV5.

Sinabi ni Mendoza na gusto niya na mag-focus sa kuwento ng kanyang mga proyekto kaya mga hindi pa kilala o mga baguhan ang mga bida.

“Mas gusto natin na mag-focus sa kuwento kasi ‘yon ang binibigyan namin ng importansya. Okey lang naman na may mga sikat na artista pero mas gusto natin nga na mag-focus sa kuwento.

“Meron din naman tayong mga professional actor pero like in the past, palagi kong pinaghahalo ang mga professional actor sa non-professional at saka, of course, ang gusto natin mangyari, hindi lang maipalabas dito sa Pilipinas ang monthly specials na’to. Eventually, meron din tayong iniisip na in the future, pwede rin ipalabas sa ibang bansa.”

May paliwanag din si Mendoza sa desisyon niya na once a month lamang ang airing ng kanyang mga TV special.

“Napakahirap gumawa ng television special. Para akong gumagawa buwan-buwan, ng pelikula. Even if it’s a short film, talagang ang treatment namin, parang full length movie…”


SHARE