Una sa Balita

THE SOURCE: Imelda, laglag sa Miss Earth dahil sa attitude problem?

By
Imelda Schweighart
0 18
Imelda Schweighart
Imelda Schweighart

Laglag sa Miss Earth 2016 ang Philippine repre­sentative na si Imelda Schweighart at si Cloie Skarne, ang anak nina Gabby Concepcion at Jenny Syquia na official delegate ng Sweden sa beauty pageant na ginanap noong Sabado sa Mall of Asia Arena at live na napanood sa Starworld.

Marami ang nagulat dahil hindi  pumasok sa Top 16 candidates si Schweighart na da­ting co-host ni Willie Revillame sa Willing Willie ng TV5. May isyu na diumano, may kinalaman ang attitude ni Schweighart kaya thank you girl ang naging kapalaran niya.

Naging kontrober­syal si Schweighart dahil sa pagkukumpara niya kay President Rodrigo Duterte at sa diktador na si Adolf Hitler.

Nakatikim din si Schweighart ng salita mula kay Miss Earth 2008 Karla Henry na pinagbintangan niya na pinagtawanan siya sa pre-jud­ging event ng Miss Earth 2016.

Masyadong active si Schweighart sa social media at ang kanyang Facebook rants ang isa sa itinuturo na ugat ng pagka­talo niya sa Miss Earth 2016.

Nang manalo siya na Miss Earth Philippines noong June 2016, nabanggit ni Schweighart sa mga interview sa kanya na biktima siya ng racial bullying

Nang mabigo si Schweighart na makapasok sa semi-finals ng Miss Earth 2016, biktima na rin siya ng online bullying dahil sa paratang na hindi niya naitayo ang watawat ng Pilipinas.

Pasok sa Top 16 at nakalusot sa Top 8 si Cloie pero hindi na siya pinalad na makabilang sa Top 4 candidates.

Hindi man nagkaroon ng puwesto ang kanyang half-sister, supportive kay Cloie si KC Concepcion na kinaba­han nang husto.

“We feel so proud of Cloie. She made it so far and looked absolutely STUNNING! She’s worked so hard and come so far!” ang reaksyon ni KC sa resulta ng pagsali ni Cloie sa Miss Earth 2016.

Miss Ecuador na si Katherine, deserving na Miss Earth!

Miss Earth 2016 Katherine
Miss Earth 2016 Katherine

Si Katherine Elizabeth Espin, ang char­ming at gracious representative ng Ecuador ang nanalo ng Miss Earth 2016 crown. Bukod sa maganda, mahusay sumagot si Espin na nag-effort na batiin ang audience sa sariling lengguwahe ng mga Pilipino.

Hindi nakalimutan ni Espin na mag-sign of the cross nang tawagin siya bilang semi-fina­list at finalist ng contest kaya nakuha niya ang atensyon at paghanga ng lahat.

Mga runner up ni Espin si Miss Colombia Michelle Gomez (Miss Earth Air), Stephanie de Zorzi ng Venezuela (Miss Earth Water) at Bruna Zanardo ng Brazil (Miss Earth Fire).

Miss Earth, world class ang dating!

Sina Rovilson Fernandez at Marc Nelson ang mga host ng Miss Earth 2016. Performers ang 4th Impact, formerly The Cercados Sisters, ang Filipino girl group na fina­list sa The X Factor UK noong nakaraang taon.

Darling of the crowd si PNP Chief Director Ronald ‘Bato’ dela Rosa na isa sa mga hurado. Umalingawngaw ang malakas na palakpakan sa loob ng MOA Arena nang ipakilala nina Marc at Rovilson si General Dela Rosa.

Mabilis ang pacing at world class ang stage quality ng Miss Earth 2016 kaya hindi ito nakaka­bagot panoorin, maliban sa hashtag questions para sa Top 8 candidates na sinimulan na ipauso ng Miss Earth organizer noong nakaraang taon.

Extension ng deadline sa MMFF, unfair!

Magkakaibigan ang mga baguhan na producer ng Mang Kepweng Returns, ang pelikula na tinatampukan ni Vhong Navarro. Cineko Productions ang pangalan ng kanilang movie company at ayon sa producer na si Ladylyne De Guzman-Ilao, hindi sila nawawalan ng pag-asa na mapipili ang Mang Kepweng Returns bilang isa sa walong official entries sa  2016 Metro Manila Film Festival.

Ang mga producer ng Cineko Productions ang unang nag-submit ng full length at picture lock stage copy ng Mang Kepweng Returns, bago pa nagkaroon ng request ang ibang movie producers na bigyan ng MMFF Execom ng extension ang deadline.

May mga nagrereklamo dahil unfair umano ang hinihiling na extension para sa mga film producer na sumunod sa ipinatutupad na batas ng MMFF Execom.

“Ang stand kasi namin, basta kami, since first timer nga kami, we wanted to comply strictly,” ang sagot ni Ladylyne nang hingin namin ang opinyon niya tungkol sa isyu.

“As to fairness, prerogative ‘yan ng MMFF executive committee so, we just let them decide. Basta kami lang, we’re able to submit it, not just on time but ahead of time pa.

“Sana makapasok kami kasi first time namin. Sa totoo lang, hindi kami mapapahiya sa graphics, lahat..

“Saka ang bilin namin kay Vhong, dapat hindi siya very Vhong bilang Mang Kepweng. In fairness to Vhong, nagawa niya.

“‘Yung ibang co-producers namin, gusto si Mang Kepweng, natatawa sila kay Chiquito. Pito kaming producer, eh majority gusto nila ‘yan.

“Nagsimula kaming mag-shooting ng Mang Kepweng noong August 2016. Nang itayo namin ang Cineko Productions, nag-uusap pa lang kami, MMFF na ang target namin.

“May high hopes kami na sana makapasok naman sa MMFF. Maayos naman ang pelikula, pinagkagastusan namin,” ang pahayag ni Ladylyne tungkol sa initial offering ng film outfit nila ng mga business partner niya.