Una sa Balita

THE SOURCE: HEART AT MARIAN ‘AWAY’, NABUHAY SA ‘T-SHIRT’!

By
Heart at Marian
0 3

Ngayong hapon, 5 pm, ang pilot telecast ng Follow Your Heart, ang bagong reality show ni Heart Evangelista sa GMA 7. Mga celebrity na may relasyon o koneksyon sa isa’t-isa ang mga contest­ant sa Follow Your Heart na hindi pa nagkakaroon ng presscon dahil nagbabakasyon pa sa Europe si Heart at ang asawa nito na si Senator Chiz Escudero.

Sa susunod na Linggo, April 30, ang premiere ng Daig Kayo ng Lola Ko, ang children fantasy-anthology television series ng Kapuso Network.

Bida sa bagong television program ng GMA 7 ang veteran at respected actress na si Gloria Romero. Si Marian Rivera ang special guest sa pilot episode ng Daig Kayo ng Lola Ko.

May mga tao na kahit hindi magkaibigan o nagkikita, nasasangkot sa mga isyu na kagagawan ng kanilang mga supporter at ganito ang nangyayari ngayon kina Heart at Marian na pilit na pinagsasa­bong dahil sa isang t-shirt na hindi  proudly Philippine-made.

IG FOLLOWERS, NAKATULONG SA
HOLLYWOOD DREAM NI KRIS

Kris Aquino
Kris Aquino

Sinabi ng Hollywood agent na nakausap namin na mala­king bagay na maraming followers sa social media ang artista para magkaroon ng role sa isang Hollywood movie.

Ayon sa Hollywood agent, tinitingnan din nila at ng mga movie producer ang bilang ng social media followers ng mga artista dahil nakakatulong ito sa kanilang mga project.

Sa kaso ni Kris Aquino na napapabalita na may role sa Crazy Rich Asians ng Warner Bros., ma­laking tulong umano na may 3 million followers sa Instagram ang Filipina television host/actress kaya mabibigyan siya ng Hollywood movie.

Noong nakaraang buwan, nagkaroon si Kris ng ‘promo’ sa Instagram para umabot sa tatlong mil­yon ang bilang ng followers niya. Merienda na kasama siya at mga Kikay kit ang premyo na natanggap ng pito sa mga sumali sa contest/promo ni Kris para maabot nito ang pinapangarap na 3 million mark.

“I’m taking 7 of you IG Friends for merienda & to personally give you a version of my Kikay Kit…

“As soon as we hit 3 million followers, we are celebrating… Every time you like 1 of my posts & tag me w/ #happy3millionkris you’ll be included in our data base from which we’ll choose my merienda guest list from… in case you are from abroad, we’ll LBC you the Kikay Kit,” ang sabi ni Kris tungkol sa mechanics ng  kanyang Instagram promo/contest.

Ikinuwento ni Kris na  may nagsabi sa kanya na 8,000 followers na lang ang kulang para ma-hit niya ang 3 million mark kaya naglunsad siya ng Merienda with Kris. Nang marinig namin ang sinabi ng Hollywood agent tungkol sa kahalagahan ng maraming followers sa social media, pumasok sa aming isip na posibleng ‘yon ang motibo ng Instagram promo ni Kris.

Kung totoo ang hinala namin, puwedeng sabihin na may kontribusyon ang social media followers ni Kris kaya natupad ang pangarap nito na makapasa sa audition para sa Hollywood movie na hindi pa niya sinasabi ang pamagat.