Una sa Balita

THE SOURCE: HARRY STYLES TICKETS, BENTANG-BENTA AGAD!

By
0 183

Disappointed ang Globe subscribers teenage Filipino fans ni Harry Styles dahil hindi sila nakapag-rehistro kahapon para sa pre-selling tickets sa June 18.

Malinaw ang instruction ng telecommunications company na dapat mag-rehistro kahapon, 9 am, ang mga gusto na magpa-reserve ng pre-selling tickets para sa solo concert ni Harry na magaganap sa  Mall of Asia Arena sa May 1, 2018.

Kabilang ang pamangkin namin sa libo-libong Pinoy fans ni Harry na nag-rehistro kahapon ng alas-nuwebe nang umaga, gamit ang cellphone niya pero nabigo siya dahil sa sagot na sarado na ang tickets reservation na isang malinaw na pruweba na marami ang interesado na panoorin ang Manila concert ng dating  miyembro ng sikat na  British boy band na One Direction.

Arci-Gerald,  palaging happy sa set!

Ngayon ang opening day sa cinemas nationwide ng Can We Still Be Friends? ng Star Cinema, ang second movie team up nina Gerald Anderson at Arci Munoz.

Blockbuster ang Always Be My Maybe, ang Gerald-Arci starrer na napanood sa mga sinehan noong February 24, 2016 kaya umaasa ang dalawa na susuportahan din ng publiko ang bago nilang movie.

“Sobrang excited ako para sa pelikula namin ni Arci dahil alam ko maganda ‘yung ginawa namin, kasama ang team, kahit pagod ka. Meron kaming collaboration. Ang pinaka-goal namin, pagandahin ang pelikula.

“Si Direk Prime, binigyan kami ng freedom para gawin namin ‘yung gusto naming gawin at kapag kailangang baguhin, binabago so collaboration talaga,” ang kuwento ni Gerald.

“Nu’ng ibinigay pa lang sa akin ang script at nakita ko ‘yung title na Can We Still Be Friends, sabi ko talaga, parang alam ko na. Binasa ko, sabi ko, si­guro, ini-stalk ako ni Direk Prime (Cruz) kasi that’s my love story,” ang sundot na sagot ni Arci.

“I’m very happy and very proud to be direc­ted by a good director. He’s very humble, sobrang simple niya. Hindi niya alam na napakagaling niya na direktor. Kami ni Gerald, nahihiya rin na hindi ibigay ang best namin.

“Nakakatuwa sa set kasi happy set lang kami. Hinayaan niya kami na mag-explore sa karakter namin, na mag-experiment.

Naniniwala kami na itong mga karakter namin eh merong truth na ga­ling mismo sa amin,” ang sabi ni Arci na naka-relate nang husto sa karakter niya sa pelikula.

“Bakla talaga siya (Prince)!” — Sinon Loresca

Ipinagtapat ni Sinon Loresca na nangarap ito na sumali sa Starstruck 3, ang reality based artista search ng GMA 7 noong 2005 pero hindi natuloy dahil hindi pumayag ang nanay niya.

“Hindi ko akalain na ang dream ko noon, nangyayari na ngayon. Balak ko, noong una pa man, sumali sa Starstruck, ‘yung time ni Marky Cielo.

Ngayon, ang mom ko, she keeps on telling me na hindi ka puwede kasi bakla. Ang Starstruck ay para lamang sa babae at lalake. Saka bibihira lang ang bakla na puwedeng pumasok sa showbiz industry.

“Hindi ko na kinontra ang parents ko kasi ayaw nga nila ng bakla. Ang ginawa ko na lang, I keep dreaming.

Hindi ako mag-gi-give up sa pa­ngarap ko,” ang kuwento ni Sinon tungkol sa kanyang naudlot na pagsali sa Starstruck 3.

Nang ipaalaala namin kay Sinon na gay din si Prince Stefan na produkto ng Starstruck, nagsa­lita siya ng “Kaibigan ko siya. Well wala akong choice, bakla talaga siya at alam niya ‘yon.”

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy