Una sa Balita

THE SOURCE: GORIO VS. GOYO

By
0 123

Nagkataon lang na sumabay sa grand launch ng Goyo: Ang Batang Heneral noong Miyerkules ang masungit na panahon na hatid ni Tropical Storm Gorio.

Ang Goyo ang isa sa mga malalaking pelikula na project ng TBA Studios, ang independent film company na producer ng surprise blockbuster movie na Hene­ral Luna, Sunday Beauty Queen, Bliss at I’m Drunk I Love You.

Bida sa Goyo: Ang Batang Heneral si Paulo Avelino at mula ito sa direksyon ni Jerrold Tarog.

Nilinaw ni Tarog na tulad ni Heneral Antonio Luna na ginampanan ni John Arcilla, anti-hero si Goyo o Gregorio del Pilar pero may ginawa ito na heroic, ang pagbubuwis ng buhay niya para sa bayan kaya itinuturing siya na bayani.

Ipinakilala ni Tarog sa unveiling ng mga bagong project ng TBA Studios ang cast ng Goyo, sina Stephanie Sol, Empress Schuck, Robert Sena at No­nie Buencamino na gulat na gulat dahil hindi niya alam na kasali siya sa pelikula na ipalalabas sa mga sinehan sa 2018.

Dumalo si Nonie sa nasabing event dahil isa siya sa mga bida ng crime thriller movie na Smaller and Smaller Circles na project din ng TBA Studios.

TBA Studios, inilunsad!

Ang TBA Studios ang pinagsanib na puwersa ng Tuko Film Productions ni Fernando Ortigas, Buchi Boy Entertainment ni Eduardo Rocha na artista sa 1976 movie na Ganito Kami Noon, Paano Kayo Ngayon at ng Artikulo Uno Productions.

“We want to produce movies that Filipinos will remember. We would like that everybody that goes to the movie theaters and sees the TBA branding would know that once they see it, they will enjoy the movie and come out happy with it,” ang sabi ni Ortigas.

Inihayag din sa unveiling ng mga movie project ng TBA Studios ang partnership nito sa Globe Studios, ang film outfit ng telecommunications company na Globe Telecom.

Co-production venture ng TBA Studios at ng Globe Studios ang Goyo: Ang Batang Heneral.

Nagbigay rin ng suporta ang Globe Studios sa marketing ng Birdshot, ang official entry ng TBA Studios sa Pista ng Pelikulang Pilipino na magsisimula sa August 16, 2017.

‘The Mythology Class’, ambitious!

Mainit ang pagtanggap ng mga bisita sa grand affair ng TBA Studios sa announcement na isasalin nila sa pelikula ang The Mythology Class, ang popular graphic novel ni Arnold Arre.

Again, si Jerrold Tarog ang direktor ng The Mythology Class na gustung-gusto na gawin ng kanyang kaibigan, ang kapwa direktor na si Quark Henares.

Isang ambitious project ang The Mythology Class pero hindi pa masabi ni Tarrog kung kailan niya sisimulan ang shooting ng film adaptation ng nobela ni Arre na isinulat nito noong 1997.

Hindi makapaniwala si Arre na makalipas ang dalawang dekada, magiging pelikula na ang nobela niya na popular na popular sa millennial.

Tungkol kay Nicole na dumalo sa isang sikreto na pagtitipon na ipinatawag ng misteryosang si Mrs. Enkanta ang kuwento ng The Mythology Class.

Nakilala at naging kaibigan ni Nicole sa secret meeting ang mga tikbalang, kapre at lahat ng klase ng mga engkanto.

Kasama ang kanyang mga bagong kaibigan, nakipaglaban si Nicole sa masasamang elemento na nakasalubong nila sa mga kalye ng Metro Manila.

Ang The Mythology Class ang nanalo sa Comic Books category ng Manila Critics Circle National Book Award noong September 2000.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy