Una sa Balita

THE SOURCE: FRENCH PRES. MACRON AT WIFE, DADALO SA KASAL NINA BELO-KHO?

By
0 144

Nararamdaman na ni Dra. Vicki Belo ang tensyon ng isang ikakasal dahil bukas na ang pag-iisang dibdib nila ni Hayden Kho Jr. sa Paris, France.

Usap-usapan na dadalo sa Kho-Belo Nuptial ang French President na si Emmanuel Macron at ang first lady nitong si Brigitte na isa sa mga inspirasyon ng love story nina Dra. Belo at Hayden.

Gaya ng relasyon nina Belo at Hayden, 25 years ang age gap nina Emmanuel at Brigitte pero hindi naging hadlang sa pagmamahalan ng dalawa na mas matanda ang babae.

Hindi nag-iisa ang pakiramdam ni Belo nang malaman nito ang kuwento ng pag-iibigan ng presidente ng France at ng asawa nito na hiwalay sa asawa at tatlo ang anak.

“How’s this for a testament that age is really just a number? I’m sooo inspired by the Macron couple (his wife is 25 years his senior) because now I feel I’m not alone.

“Thank you for showing us that when it comes to relationships, it’s really about how much you love and respect your partner and not about age, di ba?

Cheers to all lovebirds,” ang reaksyon noon ni Belo tungkol sa relasyon ng Macron couple na hindi nalalayo sa ilang detalye ng pagsasama nila ni Hayden.

Betong, bongga ang career!

Ang Bubble Gang at ang All Star Videoke ang dalawang regular show ni Betong Sumaya sa GMA 7.

Si Betong ang co-host ni Solenn Heussaff sa All Star Videoke na magsisimula sa Linggo, September 3.

Hindi lamang ang tapings ng Bubble Gang at All Star Videoke ang pinagkakaabalahan ni Betong dahil kasama siya sa cast ng Haunted Forest, ang upcoming suspense thriller movie ng Regal Entertainment Inc.

Co-stars ni Betong sa Haunted Forest sina Jane Oineza, Raymart Santiago, ang mga young star na sina Jameson Blake, Maris Rascal at Jon Lucas.

Si Ian Lorenos ang direktor ng horror movie na ipapala­bas ng Regal Entertainment Inc. sa mga sinehan bago matapos ang 2017.

Buntot ni Janella, pinalakpakan!

Nag-resume na ang shooting ng My Fairy Tail Love Story ng Regal Entertainment Inc. at The IdeaFirst Company. Mga bida sa My Fairy Tail Love Story sina Elmo Magalona at Janella Salvador.

Malaki ang poten­syal na maging blockbuster ang romantic/fantasy movie ng Regal Entertainment Inc. dahil nagpalakpakan at naghiyawan sa tuwa ang manonood nang ipakita sa premiere ng Woke Up Like This ang teaser ng project nina Janella at Elmo.

Parang nasabik ang audience sa isang mermaid movie nang mapanood nila na may buntot si Janella. Si Perci Intalan at hindi na si Jun Lana ang direktor ng My Fairy Tail Love Story.

Napilitan si Jun na ibigay kay Perci ang pamamahala sa My Fairy Tail Love Story dahil hindi magtugma ang mga schedule nila nina Elmo at Janella.

Hindi na makapaghihintay si Jun dahil uumpisahan na niya ang shooting sa Japan ng The Nurse, ang pelikula na pagbibidahan ni Nadine Lustre.

SIKAT NA AKTOR, MAY SAKIT O MAY BISYO?

Worried ang concerned friends and fans ng sikat na aktor dahil patuloy ang pamamayat niya.

Pinagdududahan na kung hindi may sakit, may bisyo na masama ang aktor dahil hindi maganda ang pagpayat niya.

Humpak ang mga pisngi, walang glow ang mga mata at mukhang pagod na pagod ang aktor, kahit hindi nagpupuyat dahil pahinga muna siya sa paggawa ng mga teleserye.

DIANA, GUMAWA NG DAMIT PARA
SA MGA NAGPAPADEDENG INA!

Nagpapasalamat si Diana Zubiri sa lahat ng mga tumatangkilik sa bagong business venture niya, ang Loving Diana, ang mga damit para sa mga breastfeeding mother.

Tuwang-tuwa si Diana dahil nagustuhan ng mga nanay ang mga design ng Loving Diana (@Loving_diana on Instagram)

Thanks for the trial pic love ❤️ @thisisandysmith

A post shared by Diana Zubiri-Smith (@dianazubirismith) on

Malaking tulong para sa breastfeeding moms ang Loving Diana clothes dahil hindi na nila kaila­ngan na pumunta sa isang lugar na tago o takpan ang kanilang mga anak sa tuwing magpapadede kapag nasa public places sila.

“Nagkaroon ako ng idea na gumawa ng breastfeeding clothes dahil mahirap lumabas at manamit, ayon sa needs ng mommies na kagaya ko.

Ang magsuot ng Loving Diana clothes ang pinakakomportable na mag-breastfeed kapag nasa labas ka o sa ibang bansa,” ang sabi ni Diana tungkol sa “ history” ng bagong negosyo niya.

Ang Loving Diana ang sister company ng Be Amazing ( @beAmazing ), ang fitness apparels na unang online business ni Diana.

Gaya ng Loving Diana, popular sa mga kababaihan ang Be Amazing dahil sa mga design at affordable prices ng leggings at tank tops.

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More