Una sa Balita

THE SOURCE: Ethel Booba, napatawad na ang ‘babaerong’ tatay!

By
0 21

Hindi itinanggi ni Ethel Booba na malaki na ang ipi­nagbago nito at nagkaroon ng direksyon ang kanyang buhay dahil magkasundo na sila ng estranged father niya.

Pinatawad na ni Ethel ang kanyang ama na nakipagrelasyon sa ibang babae at iniwan ang nanay niya kaya siya ang naging breadwinner ng pamilya.

Hindi naging madali kay Ethel ang magpatawad dahil siya ang umako sa lahat ng mga responsibilidad ng kanyang ama.

“Medyo mahirap din kasi parang ‘yung obligation sa family, kaya hanggang ngayon, single ako, ayan naiiyak ako.

“Kaya single ako, anong petsa na, kasi marami akong kargo. Sabi ko sa tatay ko, dapat sa’yo ito. Hindi naman ako masamang ka­patid at masamang anak ng nanay ko kaya kinargo ko sila,” ang kuwento ni Ethel na pinigil ang pagpatak ng luha.

“Naging close ako masyado sa family. Nagkabati kami ng father ko. Medyo nagkaroon ng liwanag ang buhay ko. May direction na siya. Hindi kasi ako tumatanggap ng mga payo before.

“Lagi kong nakaka­usap ang father ko so nakakatulong siya,” ang pahayag ni Ethel na minana ang sense of humor ng kanyanga ama.

“Parang tatay ko ang bumabanat dito (sa #Charotism) ganoon na ganoon siya,” ang dagdag na kuwento ni Ethel na book author na ngayon dahil sa kanyang best selling book, ang Charotism.

Ang VRJ Books na sister company ng Viva Films ang publisher ng Charotism, The Wit and Wisdom of Ethel Booba.

Ang VRJ Books ang pinili ni Ethel para mag-publish ng libro niya dahil maganda ang deal nila.

“May isang network na nag-offer sa akin pero pinag-isipan ko munang mabuti kasi hindi ko gusto ‘yung packaging, lay out..lahat ng mga nasa loob.

“Itong second offer, sa Viva, maganda ang offer nila,” ang sabi ni Ethel na hindi makapaniwala na book author na siya pero umaasa na magkakaroon ng sequel ang #Charotism.

Lolit, walang ‘K’ sa Walk of Fame!

Lolit Solis
Lolit Solis

Hiningi namin ang reaksyon ni Federico Moreno tungkol sa pagtanggi ni Lolit Solis na mabigyan ng bituin sa Walk of Fame Philippines sa Eastwood Libis dahil sa simple reason na hindi siya karapat-dapat.

Si Federico ang anak ni German Moreno, ang television host/comedian na pumanaw noong January 2016 at magtutuloy sa advocacy ng kanyang ama na para­ngalan ang mga entertainment personality sa pamamagitan ng pagbibigay ng bituin sa Walk of Fame Philippines.

Tinanong namin si Federico kung itutuloy pa ba nito ang plano na bigyan ng bituin si Lolit sa kabila ng pagtanggi nito at ito ang sagot niya.

“Tita Lolit humbly declined. For the Walk of Fame, the board of trustees requirement is an inductee must accept and must be present during the induction. She has her own personal reasons for declining.

“The categories are Movies, Television, Radio, Music and the new ca­tegories, News and Public Affairs, Theater and Movie Press.

“We will have to postpone the induction for Movie Press next year kasi kailangan pa namin na mag-board meeting  to nominate an inductee.

“Next year sure na ‘yon. Thanks for your support and we will send invites to the press by next week. We’ll have an announcement for this year’s inductees this week,” ang pahayag ni Federico.

Kung hindi tinanggihan ni Lolit ang parangal na ibibigay sa kanya, siya sana sa mga miyembro ng entertainment press ang kauna-unahan na gagawaran ng sariling bituin sa Walk of Fame Philippines.

GMA, todo-suporta sa Star
Cinema movie ni Dingdong!

Dingdong Dantes
Dingdong Dantes

Sa tuwing may mga ginagawa na pelikula si Dingdong Dantes sa Star Cinema na sister company ng ABS CBN, full support ang ibinibigay sa kanya ng mother studio niya, ang GMA 7. Si Dingdong ang lead actor ng The Unmarried Wife, ang Star Cinema movie na magbubukas ngayon sa mga sinehan.

Ang The Unmarried Wife ang ika-apat na pelikula na ginawa ni Dingdong sa film outfit ng ABS CBN. Kapag may bagong pelikula si Dingdong sa Star Cinema, pinapayagan siya ng GMA 7 na mag-promote sa mga programa ng  Kapuso Network tulad ng nangyari noong Linggo sa Sunday PinaSaya.

Imbitado rin ang crew ng 24 Oras sa mga presscon ng Star Ci­nema movies na tinatampukan ni Dingdong.

Hindi lamang ang aktor ang Kapuso talent na may kinalaman sa The Unmarried Wife dahil re­sident director ng GMA 7 ang direktor ng pelikula, ang award-winning filmmaker na si Maryo J.delos Reyes.

Incidentally, highly-recommended ni Aga Muhlach ang The Unmarried Wife. Iniimbitahan niya ang lahat na panoorin at suportahan ang movie project na mula sa direksyon ni Maryo na malapit sa puso niya.

Si Maryo ang direktor ng Bagets, ang blockbuster movie at unang movie project ni Aga bilang teenage star.