Una sa Balita

THE SOURCE: ELLA, SANAY NANG MASAKTAN KAY JULIAN!

By
0 7

Sa August 17 pa ang 21st birthday ni Ella Cruz pero binigyan siya ng advance birthday celebration noong Biyernes sa Music Hall ng Viva Films at Viva Artists Agency.

Hindi napigilan ng former child actress na maging emosyonal dahil sa kaligayahan na nararamdaman niya at nang magpasalamat siya sa kanyang mother studio.

“Grabe, parang nagsisimula ako uli nu’ng dumating ako sa Viva. I’m super-super thankful to my Viva family for everything. For making more of my dreams come true.

“Nakahanap ako ng isang tunay na pamilya, I’m really-really thankful. Hindi sapat ang word na thank you para pasa­lamatan kayo.

“Lahat ng ginagawa ko ngayon, lahat ng success ko ngayon, lahat ng blessings ko, ise-share ko sa inyo and I promise, puwede ninyo akong batukan, puwede ninyo akong saktan kapag nagbago ako,” ang umiiyak na pasasalamat ni Ella sa executives ng home studio niya.

Maliban sa box office success ng Fangirl/Fanboy, walang ibang birthday wish si Ella dahil gusto niya talaga na tangkilikin ng moviegoers ang launching movie ng JulianElla, ang loveteam nila ni Julian Trono.

“Maging successful ang movie na Fangirl/Fanboy, ‘yun lang ang talagang wini-wish ko sa ngayon.

julian-ella
Julian at Ella

“Malapit na, sobrang kinakabahan ako pero siyempre, enjoy lang and ‘yung pressure na nararamdaman ko, hinaha­yaan ko lang na tulungan ako na i-motivate lalo para mas pag-igihan ko pa ‘yung pagpo-promote ko.

“Sa lahat ng nararamdaman ko ngayon, ang pinaka-best na nararamdaman ko is thankful and grateful kasi ‘yung tiwala na ibinigay sa akin para pagbidahan ko ang isang pelikula.

Sobrang thankful ako minsan lang ito maibigay at may naniwala sa akin. Sobrang thankful ako sa Viva,” ang pahayag ni Ella na nakatanggap ng mahigpit na yakap mula kay Julian na  inakala niya na hindi makararating sa kanyang birthday party.

Malakas ang kutob ng mga bisita sa birthday ce­lebration ni Ella na nagkakamabutihan na sila ni Julian dahil sa mga mensahe nila para sa isa’t isa.

Ikinuwento ni Julian na “na-bad trip” sa kanya si Ella dahil sinabi niya na hindi siya makakasipot sa birthday celebration ng kanyang leading lady sa Fangirl/Fanboy. Scripted ang scenario dahil gusto ni Julian na sorpresahin ang dalaga.

Kinilig ang mga guest ni Ella sa birthday message sa kanya ni Julian na “Maraming-maraming sa­lamat for your existence” na sinagot ng young actress ng “Ayokong umasa na pupunta ka.”

“At least, sinanay kita na parati akong wala,” ang sabi ni Julian.

“Sinanay mo ako na laging masaktan,” ang mabilis na sagot ni Ella na nagpakilig sa mga bisita na nagulat sa palitan nila ng mga salita na punumpuno ng kahulugan.