THE SOURCE: ELLA CRUZ, INALOK NA MAGHUBAD!

By

Tinanggihan ni Ella Cruz ang offer na sexy ­pictorial para sa isang men’s magazine dahil hindi pa siya ­handa. Nagkaroon ng sexy image si Ella dahil sa ­kanyang mga dance video pero hindi raw ito nanganga­hulugan na magiging daring na siya sa mga pictorial at sa kanyang mga movie at television assignment.

“Kung titingnan po ninyo ang mga Instagram post ko, wala akong picture na 2-piece ang suot, shorts o bikini dahil hindi pa talaga ako ready.

“Siguro, kapag handa na ako o handa na ‘yung mga tao dahil karamihan sa fans ko, ka-age ko at mas bata sa akin.

“Siyempre, ayoko naman na mabigla o ma-off sila. Sa bawat ginagawa ko, kailangan ko rin isipin ang mga tao na nakapa­ligid sa akin,” ang sabi ng 20-year-old actress na sumusumpa na may mga manliligaw siya pero hindi pa narara­nasan na magkaroon ng boyfriend dahil ang showbiz career ang top priority niya.

Si Ella ang lead actress ng Darkroom, ang horror mo­vie ng Viva Films na mapapanood sa mga sinehan sa Ja­nuary 18, 2017. Tiniyak ni Ella na walang siyang mga da­ring scene sa Darkroom pero ikinuwento niya ang mga nakakatakot na karanasan sa shooting ng pelikula sa Tagaytay City.

Walang mga special effects ang Darkroom pero ­sinabi ni Ella na ta­lagang matatakot ang mga manonood ng pelikula na maikukumpara sa 1999 horror movie na The Blair Witch Project.
Hindi lamang si Ella ang nagkaroon ng eerie ­experience sa shoo­ting ng Darkroom dahil may ­sariling kuwento rin ang kanyang mga co-star na sina Bret ­Jackson, Jack Reid at ang aspiring actress na si ­Samantha Capulong.

Ate Vi, parang estudyante!

Mas challenging para kay Lipa City House Representative Vilma Santos-Recto ang bagong posisyon niya sa public service kung ikukumpara sa mga ­responsibilidad niya noon bilang gobernador ng Batangas province.

Para sa Presidential Awardee ng 64th FAMAS, mas madali ang ma­ging gobernador ng lalawigan ng Batangas dahil parang nanay siya na nag-aalaga ng isang malaking pamilya.

Ibang-iba raw ang mga tungkulin niya bilang House ­Representative ng Lipa City dahil parang estudyante siya na ­bumalik sa school.

Sinabi ni Ate Vi na talagang ­nakatutok siya at pinag-aaralan niya nang mabuti ang ­lahat ng mga ­batas na ginagawa nila sa kongreso. Para ­talagang estudyante si Ate Vi dahil matapos ­tanggapin ang presidential award na iginawad sa kanya sa 64th FAMAS, hindi siya nagtagal at nagpaalam na uuwi na dahil maaga pa ang pasok niya sa ­Kongreso kinabukasan.


Apela sa mga bagets stars…“Don’t take us for granted!” — Gloria Sevilla

May baston na hawak dahil nahihirapan na maglakad ang veteran actress na si Gloria Sevilla nang dumalo ito sa awards night ng 64th FAMAS noong Linggo.

Si Gloria na kinikilala noon bilang Queen of Visayan Movies ang pinagkalooban ng FAMAS ng Lifetime Achievement Award. Ang acceptance speech ni Gloria ang isa sa mga pinakamaganda na narinig namin na pinuri ng lahat, pati na ng FAMAS emcee na si Piolo Pascual.

“Para sa lahat ng mga nasa industriya ­ngayon, gusto ko lang ipaalaala sa inyo na kaming mga bete­ranong artista still have the passion to make films at dahil may edad na siyempre, hindi na ­kasing-liksi kagaya ninyo kaya sana naman, please take care of us especially during shooting days. Don’t take us for granted,” ang apela ni Gloria na nakapaglalakad sa tulong ng baston dahil nagkaroon siya ng injury sa taping ng isang television show.


SHARE