Una sa Balita

THE SOURCE: Dennis, lilipad na sa March 2017!

By
0 15

Sequel at hindi retelling ng Mulawin ang karagdagan na impormasyon na natanggap namin kahapon tungkol sa telefantasya na iba­balik ng GMA 7 sa telebisyon sa susunod na taon.

Therefore, ga­gam­panan pa rin ni Dennis Trillo sa sequel ng Mulawin ang katauhan ni Gabriel, ang karakter na binigyang-buhay niya noon.

Ang writer/director na si Don Michael Perez ang creator ng Mulawin noong 2004 at mula ito sa direksyon ni Dominic Zapata.

Sa sequel ng Mulawin na posibleng mapanood sa March 2017, pagtutulungan nina Perez at Zapata ang direksyon sa telefantasya na pagbibidahan ni Dennis.

Pinoy na si Alex Calleja, #2 sa Funniest Person in the World!

Alex Calleja
Alex Calleja

Finalist sa Funniest Person in the World category ng Laugh Factory si Alex Calleja, ang 44-year old stand up comedian at writer ng It’s Showtime at Going Bulilit.

Si Calleja ang gumagawa ng mga spiel ni Vhong Navarro sa It’s Showtime. Mentor ang turing ni Calleja kay Vhong dahil ito ang nagbigay sa kanya ng break sa pelikula.

Mapapanood si Calleja sa Mang Kepweng Returns, ang movie project ni Vhong na balak isali sa Metro Manila Film Festival 2016.

Tuloy na tuloy na ang biyahe ni Calleja sa Finland sa December 4 dahil dadalo siya sa grand finals ng Laugh Factory.

Ipinagmalaki ni Calleja na ito lamang ang Pinoy na nakalusot sa grand finals ng Laugh Factory at ayon sa mga survey, pangalawa siya sa mga stand up comedian na pinapaboran na manalo dahil sa husay sa pagpapatawa.

“’Yung Laugh Factory, isa siyang sikat na bar sa Amerika kung saan nanggaling sina Chris Rock, Jim Carrey saka ‘yung ibang mga sikat na star comedian.

“Ngayon, every two years, nagpapa-contest sila. Nag-perform ako sa Manila, saka sa Malaysia, Singapore pero ang trabaho ko sa Pilipinas, writer sa It’s Showtime, Going Bulilit.

“IT programmer muna ako bago ako lumipat sa ABS CBN noong 2011. Nagkakilala kami ni Vhong Navarro sa Todamax, tricycle driver ako saka writer. Siya naman ang bida saka si Robin Padilla.

“Nagustuhan ni Vhong ang humor ko kaya dinala niya ako sa It’s Showtime para magsulat, dati sa isang segment lang hanggang in-absorb na ako as full time writer,” ang pagpapakilala ni Calleja sa sarili nang makausap namin siya. (Sundan sa pahina 10)

Isang Malaysian ­national na bilib sa talent ni Calleja sa pagpapatawa­ ang nagpadala ng video niya sa Laugh Factory at dahil mahusay, kabilang siya sa mga stand-up comedian na nakakuha ng mataas ng boto.

“Nu’ng nag-perform ako sa Malaysia,­ si Rizal Kamal ng LOL Events, ipinadala niya ‘yung video ko sa Laugh Factory noong August 2016.

“Tatlong rounds kasi ‘yung contest. ’Yung unang round, online voting, pagsalpak ng video namin, pataasan ng boto. Sa lahat ng 88  comedians, pangalawa ako. Umabot sa 1.2 million ang boto para sa akin.

“Nu’ng nasa Round 2 na ako, nabalitaan­ na ng ABS-CBN. So ngayon ongoing­ ‘yung campaign para sa akin, digital, publishing…

“Isang Malaysian actor ang pinakamahigpit na kalaban ko, si Harith Iskander. Parang siya ang Vice Ganda ng ­Malaysia pero hindi siya gay. Marami s­iyang boto kasi artista siya at may TV show.

“Number one siya ngayon sa contest, number 2 ako tapos malayo na kami sa ibang mga contestant.

“Nu’ng pumasok ako sa Number 2, binigyan ako ng US$1,000 ng Finland pero susuportahan ako ng ABS-CBN.

“Pupunta ako sa Finland sa December 4 para sa finals ng Laugh Factory. Twenty kami na maglalaban, 50% ng online votes, 50% ng judges iko-combine para makuha ‘yung Top 5.

“Kapag nakuha na ang Top 5, sa December 9, magpe-perform sila at ia-upload uli sa YouTube, pagbobotohan sa loob ng 24 hours. Kung sino ‘yun mananalo doon, makakatanggap ng US$100,000,” ang kuwento ni Calleja na nanindigan na galing sa kanyang mga karanasan sa tunay na buhay ang mga funny situation na mabentang-mabenta sa audience niya, dayuhan man o kapwa Pilipino.

Nagpapasalamat si Calleja sa mga host ng It’s Showtime at sa ABS-CBN dahil suportado nila ang kanyang nalalapit na laban sa Finland.