Una sa Balita

THE SOURCE: CONTROVERSIAL SHOWBIZ PERSONALITY, PINALAYAS NG MGA KAPITBAHAY SA CONDO!

By
0 9

Lumipat ng tira­han ang isang controversial showbiz personality dahil sa petisyon ng mga kapitbahay niya sa isang posh condominium building. Inireklamo ang showbiz personality ng homeowners association dahil gina­wang opisina ng staff niya ang receiving area at lobby ng condominium building.

Naging problema rin ang mga sasakyan ng showbiz personality na madalas na hindi maayos ang pagkakaparada kaya nakakaabala sa lahat.

May mga foreigner na walang idea na popular ang showbiz personality pero kabilang sila sa mga pumirma sa petition dahil naperwisyo rin sila ng personalidad na walang malasakit sa kapwa at sariling kapakanan lamang ang iniisip.

WILLIE, NANGARAL  TUNGKOL SA PANDARAYA!

Misleading ang title ng article na lumabas sa website ng Wowowin, ang popular game show ni Willie Revillame sa GMA 7.

“Willie, Nagalit, Ipinatigil ang 1-2-3 Go” ang article title dahil diumano, nagalit si Willie nang mala­man nito na dalawang beses na naglagay ng pangalan ang isang studio audience na mu­ling nabunot ang pangalan pero naging contestant na ng game segment ng Wowowin.

Pero kapag pinanood ang video, hindi naman galit si Willie dahil normal na malakas at mataas ang boses niya. In fact, malumanay ang boses ni Willie nang mangaral siya tungkol sa pandaraya.

Sinabi niya na “Itong show na ‘to ibinibigay ‘to sa mahihirap. Iniisip ko ‘to kung papaano kayo sasaya. Iniisip ko ito kung papaano kayo magbabagong-buhay. Ito ang gagawin natin, bibigyan ko na lang kayo lahat ng pamasahe.

“Dayaan ‘yan. Parang ‘pag bumoto ba ako, bumoto na ako ngayon, boboto pa ako ulit mamaya? Minsan lang ‘yang pangalan n’yo. Hindi po namin itutuloy ‘to, pasensya na kayo, kasi ho hindi ko na p’wede bunutin ‘yan. Baka meron pang ibang pangalan diyan, (na doble), unfair sa inyo.

“Dapat proteksyonan namin kayo. Kayo nag-e-enjoy dito, hindi naman kami. Ibig sabihin, nag-e-enjoy kami ‘pag nakikita naming masaya kayo.

“‘Yun ang pinaka-premyo para sa amin. Tandaan n’yo, hindi po ako papayag na may maagrabyado lalong lalo na ‘yung mahihirap. Kawawa naman po sila,” ang pangaral ni Willie na madalas na nasasangkot at ipinapahamak ng mga balita na walang katotohanan.

Dahil sa misleading title, biktima si Willie ng mga batikos ng mga tao na pinagbasehan lang ang pamagat ng artikulo at hindi na nag-aksaya na panoorin ang video clip.

Dapat isipin ng bashers at haters ni Willie na pre-recorded show ang Wowowin at kung talagang nagalit siya nang todo dahil sa insidente ng pandaraya, sigurado na hindi ito mapapaanood sa telebisyon dahil kasiraan niya at ng programa ang nangyari.