THE SOURCE: BAILEY MAY, PASOK NA SA INTERNATIONAL POP GROUP NI SIMON COWELL!

By

Introducing sa The Debutantes si Jane de Leon, ang Star Magic talent na former member ng GirlTrends at ex-cast member ng La Luna Sangre.

Pinatay ang karakter ni Jane sa La Luna Sang’re dahil kaila­ngan na lumipad siya sa Hollywood para sa bootcamp ng Now United, ang global pop group na binubuo ng American Idol na si Simon Cowell.

Masakit man sa kalooban niya, pinili ni Jane ang Now United bootcamp kesa sa La Luna Sang’re dahil sa malaking oportu­nidad at pagkakataon na maging protegee siya ni Simon Fuller.

Sina Bailey May, Ylona Garcia at AC Bonifacio ang mga kapwa Star Magic artist na kasama ni Jane sa dala­wang linggo na bootcamp sa Hollywood.

Unwittingly, ni-reveal ni Jane sa presscon ng The Debutantes na si Bailey ang napili ni Fuller sa grupo nila.

“Pina-audition po kami last month sa Star Magic, karamihan po sa mga artist, mga teen.

“Actually, noong una po, wala po talaga akong idea kung ano ‘yon. Nalaman ko na lang po ‘yung about Now United, nu’ng na-shortlist na po kami.

“Kararating ko lang po galing Los Angeles. Ang ginawa po namin is nag-training kami nina Ylona, AC, pati si Bailey. Nag-training kami, kasama ‘yung mga ­finalist na representative ng iba’t-ibang bansa.

“Nag-perform po kami sa harap ni Simon Fuller, pati sa mga ­sikat na artista sa Hollywood.

Nakasama rin namin ‘yung ibang ­malalaking artista, tulad ni Miley Cyrus.


“Halos two weeks kami (sa LA). Pinag-usapan namin kung paano ang gagawin sa pagko-­concert around the world, sa Hollywood, international…

“Hindi na po kami babalik. Actually, ang nakuha po si Bailey kasi they need guys po. Ang gagawin po nina Simon Fuller, pupunta sila sa Philippines para kausapin uli kami nina Ylona, AC and mag-train pa po.

Baka kasi mag-concert din po kami like Now United.

“Ang Now United ay isang international pop group na nagko-concert around the world.

Go and follow @nowunited for more updates guys 😁😘 #bootcamp #simonfuller #LA

A post shared by Bailey May (@baileymay) on

May mga nakuha na po para sa Now United and isa na po ang representative ng Philippines pero hindi ‘yung hindi po nakuha, bibigyan ng projects thru Hollywood, just like Vogue magazine, mga franchise and pupunta  po sila dito para i-train pa po kami.

“Kinausap po kami ni Simon. Parang  sinabi niya na magkakaroon ng Philippines Now United,” ang kuwento ni Jane sa media launch ng The Debutantes.

Pero sa one-on-one interview namin kay Jane, iba na ang statement niya.

“Hindi pa po ina-announce kung sino po,” ang sagot ni Jane nang itanong namin sa kanya kung si Bailey ang napili ni Fuller mula sa Philippine delegates.

“Kasi apat po kami na representative ng Philippines,” ani Jane na nagkaroon ng culture shock sa kanyang first out of the country trip.

“Sobrang iba po talaga kasi na-culture shock ako doon. Kumbaga, ang layo ng showbiz sa Philippines kesa sa Hollywood.

“First time ko na pumunta sa ibang bansa. Wala akong kasamang parents, 18 years old ako.

“Kasi kapag 18 na po, hindi na kasama ang companion,” ang sabi ni Jane na hinuhulaan na malayo ang mararating sa showbiz at napakala­kas ng screen presence, base sa mga eksena niya sa official trailer ng The Debutantes.

SHARE