Una sa Balita

Arci, bugbog sarado sa netizens

By
0 11

Bugbog sarado pa rin si Arci Mu­ñoz dahil sa mga batikos na natatanggap mula sa mga tao na hindi matanggap ang pagbabago ng mukha niya.

Hindi lamang ang “new look” ni Arci ang pinipintasan dahil pinupuna rin ang diumano’y “baby talk acting” niya sa morning drama series ng ABS-CBN.

NYC 🕴 #ootd #newyork

A post shared by Arci Munoz (@ramonathornes) on

Abante Hiring – IT dep

Pinag-iinitan nang husto ng detractors ni Arci ang kanyang ilong na biglang lumiit at nagbago ang hugis.

May mga nagtatanggol kay Arci dahil para sa kanila, karapatan ng aktres na i-reinvent ang sarili at pagandahin ang itsura pero sa kasamaang-palad, mas marami ang lumilibak kesa nagtatanggol sa kanya.

Produkto si Arci ng Starstruck, ang reality-based artista search ng GMA 7. Kahit noong contract star siya ng Kapuso Network, may mga nagbago na sa mukha ni Arci pero hindi pinapansin ng mga tao dahil hindi pa siya sikat.

Pinuna na lang ang pagbabagong-anyo ni Arci nang magkaroon ito ng pangalan at nabigyan  siya ng ABS-CBN ng mga challenging role at projects.

Mas makabubuti na manahimik na lang si Arci at huwag nang patulan ang mga batikos dahil  sooner or later, hihinto rin sa pang­lalait ang detractors niya na tiyak na masasanay rin sa kanyang bagong itsura.

Jane de Leon
Jane de Leon

Arjo, Anjo, Francis, Arron agawan sa ‘beauty’ ni Jane de Leon

Sa Cinema 2 ng Ayala Vertis North ang red carpet premiere sa Martes, October 3, ng The Debutantes, ang suspense thriller movie ng Regal Entertainment Inc. Mga bida rito sina Sue Ramirez,  Chanel Morales, Michelle Vito, Jane de Leon, at Miles Ocampo.

Ang The Debutantes ang biggest movie break ng apat kaya ipinagdarasal nila na tatangkilikin ng moviegoers ang kanilang pelikula na magbubukas sa mga sinehan sa October 4.

Nagpapasalamat si Jane sa Regal Entertainment Inc. dahil isinali siya sa cast ng The Debutantes.

Si Arron Villaflor ang isa sa mga masugid na manliligaw ni Jane. Limang buwan nang nililigawan ni Aaron ang 18-year-old newcomer.

Nanligaw din kay Jane sina Arjo Atayde, Anjo Damiles, at Francis Magundayao na hindi nakapagtataka dahil isa siya sa mga baguhang aktres na may maganda na mukha. Dating member si Jane ng Girl Trends ng It’s Showtime pero umalis na siya sa grupo.

“Hindi na po ako lumalabas sa It’s Showtime. Nag-focus na po ako ngayon sa acting kasi if ever na magkaroon ako ng mga rehearsal, hindi ko na magagawa ang ibang mga project.

“Sobrang blessed kasi ginagawa ko ang best ko. Ang passion ko talaga is being an artist,” ang sabi ni Jane na nagliwanag ang mukha sa mga narinig na opinyon na baka siya na ang next big star ng Star Magic.

Chanel, happy sa The Debutantes

Unang pelikula rin ni Chanel Morales ang The Debutantes bilang Regal Baby. Tulad ni Jane de Leon, thankful ang Artista Academy alumna sa mag-inang Mother Lily at Roselle Monteverde dahil sa mala­king oportunidad na ibinigay sa kanya.

“Masaya ako kasi first movie ko nga ang The Debutantes as a Regal Baby at sana, magkaroon pa ng maraming projects with Regal.

“Masaya sila na kasama especially ang mga girls and the people behind The Debutantes, from the production. Everything na nangyari sa shoot namin, they did everything to make it perfect so sana suportahan ang pelikula namin,” ang pahayag ni Chanel.