THE SOURCE: ALFRED-DIANA, MAY ASIM PA!

By

Alfred at Diana
Alfred at Diana

May asim pa, ang pabiro na sabi ni Quezon City District V House Representative Alfred Vargas tungkol sa loveteam nila ni Diana Zubiri sa Encantadia 2016.

Sumikat ang Danaya/Aquil loveteam nina Diana at Alfred noong 2005 pero hindi nila inaasahan na magkakaroon din ng strong following ang Lila Sari at Amarro, ang mga bagong karakter na ginagampanan nila sa Encantadia 2016.

Nagugulat si Alfred dahil sa mga lugar na pinupuntahan niya, ang loveteam nila ni Lila Sari ang itinatanong ng mga tao na kanyang nakakasalamuha.

Noong Huwebes, sina Diana at Inah de Belen ang featured stars sa Facebook live session ng Encantadia pero si Alfred ang hinahanap at itinatanong sa original Danaya ng Encantadia.

Kahit sa mga social media account at website ng Encantadia 2016, malakas ang public clamor sa Lila Sari at Amarro loveteam nina Diana at Alfred.

INAH, MABILIS TUMABA!

Kagagaling lang ni Inah de Belen sa bakasyon nang malaman niya na kasali siya sa cast ng Encantadia. Matinding excitement ang naramdaman ni Inah dahil favorite show niya ang Encantadia noong bata pa siya.

Para kay Inah, dream come true na maging bahagi siya ng kanyang paboritong programa. Nang makarating sa kanya ang magandang balita, nag-diet agad si Inah dahil mabilis daw siya na tumaba pero mabilis din na pumayat.

“Sabi ko…Encantadia…paano ba ito? Kaya ko ba? Tapos may mga fight scene pa. Nag-training ako dun mismo sa set. I can’t believe it. I’m so excited!” ang overwhelmed na sabi ni Inah na umamin din na kinikilig sa loveteam nina Alfred at Diana sa Encantadia.

Gandang Filipina candidates,
mas magaling sumagot kesa kay Maxine Medina!

Panahon na naman ng mga beauty pageant kaya masigasig ang mga talent scout sa paghahanap ng mga kababaihan na malaki ang potensyal na ma­ging beauty queen.

Ang Wowowin, ang top rating game show ni Willie Revillame sa GMA 7 ang tinututukan ng mga talent scout dahil sa Gandang Filipina contest ng programa.


Mga bata, magaganda, matatalino at hindi mga kontesera na mga kababaihan mula sa mga probinsya na malalayo ang mga sumasali sa beauty contest ng Wowowin.

Hindi nakapagtataka kung marami sa mga contestant ng Gandang Filipina ang makikita natin na kasali sa mga national beauty pageant tulad ng Bb. Pilipinas dahil mga beauty queen material sila at higit na magaling sumagot kung ikukumpara kay reigning Miss Universe Philippines Maxine Medina.

Full House Tonight vs. Sunday PinaSaya?

Ngayong gabi ang pilot telecast ng Full House Tonight, ang musical variety show ng GMA 7 na pinangungunahan nina Regine Velasquez at Solenn Heussaff.

Inaabangan ang Full House Tonight dahil bukod sa pangako na entertaining ang programa, iniintriga ito na Saturday night version ng Sunday PinaSaya, ang Sunday noontime program ng Kapuso Network.

Kung mga komedyante ang mga host ng Sunday PinaSaya, mga komedyante rin ang kasama nina Regine at Solenn sa Full House Tonight, sina Kim Idol, Philip Lazaro, Tammy Brown, Terry Gian, Nar Cabico at Joross Gamboa. May kantahan at comedy skits din sa bagong musical variety show ng GMA 7.

Si Dennis Trillo ang special guest sa pilot episode ng Full House Tonight.


SHARE