Una sa Balita

THE SOURCE: Alfred, araw-araw pa ring liligawan si Yasmine!

By
0 1

Ang Manila Cathedral ang venue ng church wedding nina House Representative Alfred Vargas at Yasmine Espiritu-Vargas na unang ikinasal sa isang civil ceremony noong August  16, 2010.

Itinakda sa alas tres y medya nang hapon ang oras ng pag-iisang dibdib nina Alfred at Yasmine sa July 23, 2017.

Kabilang sa mga principal sponsor  sina Vice President Leni Robredo, former Senator Mar Roxas, former House Speaker Sonny Belmonte, Seiko Films producer Robbie Tan, GMA Network Inc. Senior Vice President for Entertainment Lilybeth Rasonable, Kris Aquino, House Representative Vilma Santos-Recto at Lolit Solis.

Secondary sponsor (cord sponsors) sina Quezon City Vice Mayor Herbert Bautista at Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte.

Flower girls ang mga anak nina Alfred at Yasmine na sina Alexandra Milan at Aryana Cassandra.

Ang fashion designer na si Cary Santiago ang gumawa ng wedding gown ni Yasmine at si Francis Libiran ang creator ng midnight blue tuxedo  ni Alfred.

“Kilig-to-the-bones ba?“ ang sagot ni Alfred nang sabihin namin na marami ang kinilig sa sinabi niya kay Yasmine na “  Pwede ba kita ligawan everyday? 

Even when we get married, I’ll court you everydat Amore ko ‘coz making you happy gives meaning and joy to my life everyday.

“Happiness is being in your arms forever. I’m so in love. I can’t wait for the big day.”