THE SOURCE: AKTOR, NAWAWALA SA SARILI!

By

Nagbigay ng problema sa staff ng isang television show ang aktor na may sarili na mundo dahil hindi siya nakiki­pag-usap kahit kanino.

Nagtaka rin ang aktres na bida ng prog­rama dahil naging leading man niya sa isang pelikula ang aktor pero malamig ang pakikitungo nito sa kanya ngayon.

Nagulat din ang vete­ran actor na mainstay ng show dahil sa cold shoulder treatment na ibinigay sa kanya ng aktor na tila nawawala sa sarili.

Nang kunan ang mga eksena ng aktor, nakatingin lamang siya sa malayo at hindi nagsasalita kaya lalong nabuwisit ang staff ng television show.

Sa sobrang irita ng production staff member, nakapagsalita ito ng “May career ka ba? Arte mo, umayos ka! Bibinggo ka sa akin!”

May hinala na may mga pinagdaraanan ang aktor dahil malaki ang ipinagbago ng ugali niya.

Dating maganda ang PR ng aktor pero naging mailap na siya sa press, pati na sa entertainment writers na malalapit na kaibigan niya noon.

JULIAN TRONO, BAGO NA ANG ITSURA!

Dalawang buwan na walang pahinga sina Ella Cruz at Julian Trono dahil nag-umpisa na ang nationwide tour nila para sa promo ng kanilang launching movie, ang Fangirl/Fanboy ng Viva Films na may playdate sa September 6.

Inilabas na ng Viva Films ang official poster ng Fangirl/Fanboy at marami ang nagulat sa reinvented look ni Julian.

🙈

A post shared by j.throne (@juliantrono) on


Mapagkakamalan si Julian na tunay na Korean popstar sa bagong itsura niya sa malamig sa pani­ngin na poster ng Fangirl/Fanboy.

May Koreanovela flavor ang romantic story ng Fangirl/Fanboy dahil aspiring actor ang karakter ni Julian at dubber ng mga Koreanovela si Ella.

Ipinagmamalaki ng dalawa na magugustuhan ng moviegoers ang kanilang feel good movie na mula sa direksyon ni Barry Gonzales.

SHARE