Una sa Balita

THE SOURCE: AKTOR, NASIRA ANG BUHAY DAHIL SA ‘BI’ FRIENDS!

By
0 402

Tuluyan nang isinara ng aktor na nagbabagong buhay ang Facebook account niya dahil hindi siya tinatantanan ng mga kaibigan na bad influence sa kanya.

Napariwara ang buhay ng aktor at nasira ang showbiz career niya dahil sa mga kaibigan na nagturo sa kanya ng mga masasamang bisyo.

Deactivated ang mga social media account ng aktor nang mamalagi ito sa rehabilitation center at nang lumabas siya, binuhay niya uli ang kanyang Facebook account na mabilis na nalaman ng mga kaibigan na bad influence sa kanya.

Malaki ang naitulong sa aktor ng matagal na pananatili sa rehabilitation center dahil kinalimutan na niya ang masasamang bisyo at nagkaroon siya ng disiplina sa sarili.

Nang mabasa ng aktor ang mga pangungumusta at mga imbitasyon ng mga kaibigan, hindi siya nagdalawang-isip na huwag nang maging active sa social media na ikinatuwa ng kanyang guidance counselor na umaasa ng tuluy-tuloy na ang pagbabago niya.

TSUGIAN SA ‘FULL HOUSE…’

May sagot si Joross Gamboa sa obserbasyon na “extension” ng Sunday PinaSaya ang Full House Tonight, ang Saturday night musical variety show ni Regine Velasquez na kinabibilangan niya.

“Feeling ko, hindi naman siya extension dahil kami, Sabado. ­Actually, aminin natin may similarities pero Regine show siya eh, tapos gabi. Iba pa rin ang audience ng Saturday night sa Sunday, mas wholesome ‘yung Sunday PinaSaya,” ang paliwanag ni Joross na umamin na may nawala pero may mga nadagdag sa original cast ng Full House Tonight.

“May mga idinadagdag, may mga nawala kaya ang running joke namin, magpakitang-gilas tayo ngayon ha? Baka wala tayong call time next week,” ang pabiro na kuwento ni Joross.

Ngayong gabi, magbabalik bilang mga guest ng Full House Tonight ang cast ng Meant to Be, sina Barbie Forteza, Ivan Dorschner, Jak Roberto, Addy Raj at Ken Chan.

Featured guests din sina Rhian Ramos, Kris Bernal. Ariella Arida, ang Panagbenga Festival Boys na sina Peter Cayumba at Alvin Berto at sina Ashley Ortega at Enrico Cuenca, ang mga bida sa isang viral fast food commercial.

MARGARITA FUENTES, SPECIAL MENTION SA LIBRO NI CHARO!

Special mention ni Charo Santos-Concio ang former child actress na si Margarita Fuentes sa kanyang biography book, ang My Journey, The Story of an Unexpected Leader.

“Pampelikula lang iyan,” ang sabi ng former ABS-CBN General Manager na si Freddie Garcia nang pumasok si Charo sa Kapamilya Network noong 1987, sa imbitasyon ng pumanaw na ABS-CBN founder na si Eugenio ‘Geny’ Lopez.

“What is she doing here? There’s no place for her here,” ang natatandaan ni Charo na reaksyon ni Garcia na nilinaw na hindi siya puwedeng makialam noon sa major production decisions ng ABS-CBN.

“For a year or so, I floated in limbo, until in 1988, a small window opened up when I was assigned to coordinate with a blocktimer on an afternoon soap opera.

“The programming team probably figured I could not do much harm there. The program was far from the battlefields of primetime and all I need to do is review their material before airing.

“Instead, I seized my chance. Rather simply be a gatekeeper. I dove into the trenches with the blocktimer. I sat with them on their concept. We made the narrative more robust, clarified the needs and motives of the characters, sharpened the conflicts, and allowed for the daily audience catharsis. I realized my movie concept and production background was a good fit for the long-form storytelling of soap operas,” ang pagbabalik-tanaw ni Charo sa nakaraan.

Ang afternoon drama series na Anna Luna na pinagbidahan ng child actress na si Margarita Fuentes ang soap opera na tinutukoy ni Charo. Isang surprise hit ang Anna Luna na napanood sa ABS-CBN mula 1988 hanggang 1995 na ayon kay Charo ay nagbalik ng intense drama sa Philippine television.

Matagal nang hindi aktibo sa pag-arte si Margarita Fuentes at wala nang balita tungkol sa kanya o sa kina­roroonan niya. In fact, naalaala lang uli namin siya nang aming basahin ang biography book ni Charo.

Ang hanapin si Margarita ng ABS-CBN staff at pagtagpuin uli sila ni Charo ang aming suggestion dahil naging  bahagi ng buhay nila ang isa’t isa.

Napapanood pa rin si Charo bilang host ng Maalaala Mo Kaya.

Kung interesado si Margarita na muling umarte, puwede siyang imbitahan na gumanap sa mga future episode ng top rating Saturday night drama anthology series ni Charo.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More