Una sa Balita

THE SOURCE: AKTOR, NAOSPITAL DAHIL SA TINDI NG PAGMAMAHAL, SELOS SA BOYFRIEND!

By
0 5

Matinding se­los ang dahilan kaya nagkasakit ang aktor at isinugod ito sa ospital. Masyadong dinamdan ng aktor ang natuklasan na may kahati siya sa puso ng kanyang minamahal.

Ipinaglaban ng aktor ang karapatan at hindi ito nabigo dahil siya ang pinili ng karelasyon niya.

Nagtataka ang mga nakapaligid sa aktor dahil parang ginayuma siya ng kanyang minamahal.

Ayaw na ayaw ng aktor na nawawala sa paningin niya ang kanyang boyfriend dahil inaatake siya ng selos.

Yes, kapwa lalake ang kinababaliwan ng aktor at tunay na babae ang kanyang  kalaban sa puso ng boyfriend niya pero siya ang nagtagumpay.

Nag-aalala ang pamilya ng aktor dahil baka dumating ang araw na bigla na lamang siya kakanta ng Ako ang Nasawi, Ako ang Nagwagi dahil sa sobra pero wala sa lugar na  pagmamahal  niya sa kanyang boyfriend.

Nagpakilalang ina ni Louise, nawala na!

Louise delos Reyes

Sa May 20 ang second anniversary ng paglantad ni Morena Ebrada, ang babae na nagpakilala noong 2015 na siya ang biological mother ni Louise delos Reyes.

Gugunitain sa Pilipinas sa May 14 ang Araw ng mga Ina kaya muling naungkat ang isyu ng pagpapakilala ni Morena na ito ang tunay na nanay ni Louise.

Nang pumirma siya ng exclusive management contract sa Viva Artists Agency, tuluyan nang tinuldukan ni Louise ang kontro­bersya dahil hindi raw si Morena ang kanyang tunay na ina.

“Hindi po talaga siya ang nanay ko. Hindi po siya totoo. Na-stress na ‘yung buong… hindi naman stress pero natuwa lang ako kasi mas naging tight kami as a family. My brothers were really concerned about my mom and me.

“So, sabi ko, okey na rin ‘yung nangyari. After nu’ng nag-24 Oras kami, wala na. Gusto lang niya yata ng exposure,” ang sabi ni Louise tungkol kay Morena.

Huminto na rin si Morena sa claim nito na siya ang biological mother ni Louise pero patuloy ang pag­lalagay niya sa kanyang Facebook account ng mga litrato ng aktres.

ALFRED-YASMINE, SA ITALY ANG PRE-NUP PICTORIAL!

Yasmine at Alfred

Tatapusin muna ni Congressman Alfred Vargas ang lahat ng mga eksena niya sa Encantadia bago siya lumipad sa Italy para sa pre-nup pictorial nila ng kanyang misis na si Yasmine Espiri­tu. Matatapos ang Encantadia sa May 19 at sa May 13 ang flight nina Alfred at Yasmine sa Italy.

Hands on si Yasmine sa pag-aasikaso sa church wedding nila ni Alfred na magaganap sa July 2017 sa Manila Cathedral.

Ang Italy ang pinili ng mag-asawa na venue ng kanilang pre-nup pictorial dahil malaking bahagi ng love story nila ang nasabing bansa. Isinilang at lumaki sa Italy si Yasmine.

Nagkakilala sila ni Alfred nang umuwi siya ng Pilipinas  para magbakasyon sa Lumban, Laguna, ang bayan ng nanay niya.

Isinama si Yasmine ng pinsan nito sa isang show sa kapitolyo ng Laguna sa Sta. Cruz at dito siya nakita at nakilala ni Alfred. The rest is history.