Una sa Balita

Sotto sa human rights:

Bakit tahimik sa mga rape case?

By
0 1,614

BINATIKOS ni Senate Majority Leader Vicente ‘Tito’ Sotto III ang mga human rights group dahil nakatuon ang atensiyon sa drug war sa Pilipinas pero tahimik sa araw-araw na mga kaso ng rape sa India.

Kasunod ito ng kaso ng rape slay sa 16-anyos na biktima sa India na sinunog pa ang bangkay.

“Another daily gang rape in India. Sinunog pa. Bakit quiet mga (international) human rightists? Drugs lang ang concern nila?” sabi ni Sotto.

“Araw-araw ang gang rape sa India. Pinapatay pa biktima. Gobyerno nila ang bagal. Nasaan sila?” giit pa ni Sotto.
Dahil dito, hinamon ng mambabatas ang mga international human rights group na tulungan ang mga biktima sa India at huwag lang ang problema sa droga sa Pilipinas ang tutukan.