Una sa Balita

Sotto pa rin bilang Senate President

0 252

Tulad ng inaasahan, napanatili ni Senador Vicente Sotto III ang kanyang dating posisyon bilang Senate Presi­dent sa pagbubukas ng unang regular na sesyon ng 18th Congress kahapon.

Bago ito, si Senate Presi­dent Pro Tempore Ralph Recto ay pansamantalang nagsilbing presi­ding officer para bigyang daan ang halalan sa ­Senate presidency.

Si Majority Leader Juan Miguel Zubiri ang nag-nominate kay Sotto bilang Senate president at sinegundahan ni Senador Panfilo Lacson.

Walang ibang kandidato ang na-nominate sa naturang posisyon dahilan para magpatawag si Recto ng botohan sa pamamagitan ng viva voce.

Nag-abstain naman ang tatlong opisisyon na sina Sen. Franklin Drilon, Francis Pangilinan at Risa Hontiveros.

Si Recto ay nahalal muli bilang Senate President Pro Tempore habang si Zubiri ay naluklok muli bilang chairman ng committee on rules at awtomatikong naging Majority Floor Leader.

Si Drilon ay nanatiling Minority Leader matapos ihalal ng kanyang mga kasama sa oposisyon na sina Pangilinan at Hontiveros. Ang ika-apat na miyembro ng oposisyon na si Senador Leila de Lima ay nakadetine pa rin sa Camp Crame.

Muling nahalal si Atty. Myra Villarica bilang Senate Secretary at retired Major General Rene Samonte bilang Sgt. At Arms.

Sa kanyang talumpati, mahigpit ang paalala ni Sotto sa kanyang mga kasama sa Senado na ires­peto ang mga testigo at iba pang resource person sa mga gagawing pagdinig sa Senado.

“Our hearings had been known to be precursors of high blood pressure, heart attacks, strokes, and even self-injury. It should not be the case,” pahayag ni Sotto.

Subalit nilinaw nitong hindi naman ito nanga­ngahulugan na magiging malambot sila sa mga resource person na gigisahin sa mga pagdinig sa Senado.

“I do not mean to soften our power; I only mean that our inquiries should really be in aid of legislation; although I also believe that those who lie in our face must stay in our premises or Muntinlupa if they continue to do so,’ ani Sotto. (Dindo Matining)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy