Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Sotto out sa Gilas, Thirdy, Parks swak

0 91

TULUYAN nang inalis ng Gilas Pilipinas ang pagnanais nitong maisama sa komposisyon ng pambansang koponan ang 7-foot-3 na si Kai Zachary Sotto para sa nalalapit nitong kampanya sa gaganapin na Olympic Qualifying na 2022 FIBA Asia Cup sa Gelora Bung Karno (GBK) Sports Complex (Istora) sa Hulyo 12–24 sa Jakarta, Indonesia.

“Mukhang wala na. He has decided to do some other thing and forego the FIBA Asia Cup,” pahayag ni Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) Program Director Chot Reyes Reyes Linggo ng gabi matapos itala ng Pilipinas ang 79-63 panalo kontra India sa 2023 FIBA World Cup Asian Qualifiers.

Dahil dito ay nakatakdang idagdag muli sa koponan sina Thirdy Ravena at Bobby Ray Parks Jr, ayon kay Reyes.

Ipinaliwanag ni Reyes na maraming beses na tinangka ng pederasyon na makausap ang humahawak kay Sotto na East West Private subalit walang makuhang matinong sagot o anuman na update ang SBP mula sa kampo kung ano ang plano at kagustuhan ng nagnanais makalaro sa NBA na si Sotto.

“We have [been communicating] and they said no. Well, they haven’t said no but they’re not saying yes. If it’s not a yes, we already know what it is,” sabi ni Reyes, na umaasang mas mapapalakas ang koponan sa tulong ng mga Japan B-League veteran na sina Ravena at Parks.

Aminado si Reyes na malaki ang maitutulong ni Sotto sa national team na kulang na sa big men habang magagamit pa nito para maging abala ang paglalaro sa FIBA Asia Cup matapos na hindi mapili sa 2022 NBA Draft gayundin sa listahan ng mga kasali sa NBA Summer League.

“We’re still hoping, but to be very honest, walang linaw at talagang malabo na,” sabi nito. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.