Una sa Balita

Sotto naiipit sa pagkupkop kay Trillanes

0 1,696

MISTULANG naiipit si Senate President Vicente Sotto III nang hindi nito payagan ang mga arresting officer na arestuhin si Senador Antonio Trillanes IV kasunod ng pagpapawalang-bisa ng amnestiya laban sa kanya.

Kasabay din nito ang pagdesisyon ni Sotto na manatili na lang sa kustodiya ng Senado si Trillanes.

Dahil nasa panga­ngalaga ng Senado si Trillanes, ngangahulugan ito na malaya siyang makakapagtrabaho sa Senado.

Kahapon, mahigit 50 tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at militar ang nagpunta sa Senado para arestuhin ang senador.

May kaugnayan ito sa pagbawi ng amnesty na iginawad kay Trillanes ni dating Pa­ngulong Benigno Aquino III bunsod ng kasong rebelyon noong panahon ng Arroyo administration.

Ayon kay Sotto, hindi nila papayagang arestuhin si Trillanes sa Senado subalit wala silang magagawa kung dakpin ito sa labas ng institusyon.

“To preserve the dignity of the Senate, we have to not allow any senator to be arrested in the Senate premises. Outside the Senate premises, that’s no longer our concern,” sabi ni Sotto.

“But within the Se­nate premises, that’s the decision of the lea­dership. Now Senator Trillanes can find redress in the proper courts. It’s his call. At this point, it’s his call,” dagdag pa nito.

Ngayong nasa kustodiya ng Senado si Trillanes, sinabi ni Sotto lilimitahan umano nila ang galaw ng mambabatas.
“We will discuss some limitations later on,” giit ni Sotto.