Una sa Balita

Sotto nabulaga sa mga banat! Hindi ako nagpa-VIP sa COVID test

0 789

Inamin ni Senate Presidente Vicente Sotto III na sumailalim siya sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) test ng Department of Health (DOH) matapos makitaan ng sintomas na sakit na ito.

Subalit iginiit nitong hindi niya hiniling sa DOH na iprayoridad siya sa nasabing pagsusuri.

Sa isang statement, isiniwalat ni Sotto na dalawang beses siyang nagpasuri – una ay ginawa noong Marso 16 sa tulong ng kanyang kaibigan mula sa pribadong sektor gamit ang testing kit na hindi pa accredited ng DOH at ang isa naman ay mula sa Food and Drug Administration.

“The testing kit is different from what the DOH is using right now. I know that a number of PUIs need the DOH-approved test kits more,” paliwanag nito.

Binigyang-diin ni Sotto na una siyang nagpasuri na may mabilisang resulta para matiyak na magagampanan niya ang kanyang trabaho at matiyak na ligtras ito sa kanyang pakikipagpulong sa iba’t ibang stakeholder sa pagtugon sa sitwasyon ng COVID-19 sa bansa.

“My test turned out negative, but since I’m manifesting dry cough and sore throat for days now and due to my age and exposure to PUIs and PUMs, I took a confirmatory test,” sabi ni Sotto.

“It’s been a week now and to clarify this, I haven’t received the results as I never asked to be prioritized,” dagdag pa nito.

Matatandaan na nagpuyos sa galit ang mga netizen kaugnay ng diumano’y VIP treatment ng ilang mga politiko sa COVID-19 test sa kabila ng limitadong bilang nito.

Isa sa mga pinutaki sa social media ay Senador Francis Tolentino matapos i-post sa kanyang Facebook page ang isang larawan kung saan sinabi nitong nag-negatibo siya sa coronavirus.

Kasama naman nina Sotto at Tolentino sa nagpasuri sina Sens. Pia Cayetano, Grace Poe, Imee Marcos at Ramon Bong Revilla Jr.

Ang iba pang mga senador na nagsuri ay sina Sherwin Gatchalian at Senadora Nancy Binay na nagnegatibo sa naturang virus. (Dindo Matining)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More