Una sa Balita

Sotto maglalaro sa Kentucky Wildcats?

0 495

Bumisita ang dating Ateneo High School star na si Kai Sotto sa US NCAA powerhouse University of Kentucky sa Lexington.

Sa gitna ng kanyang training nitong Martes (December 10, Philippine time) ay nakipagkita si Kai kasama ang kanyang amang si Earvin kay Wildcats head coach John Calipari, na kilala sa pagpo-produce ng mga NBA player.

Kabilang dito sina Washington Wizards John Wall at Los Angeles Lakers Anthony Davis.

Pinuri naman ni Sotto si Calipari sa pagti-train nito sa mga player.

“I respect a coach who works with his team off the court,” sabi ni Sotto sa kanyang official Twitter account.

Kasalukuyang nag­lalaro ang 17-anyos at 7’2” na si Sotto sa ­Atlanta-based program na The Skills Factory. (Issa Santiago)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More