Una sa Balita

Sotto, Lacson sagabal sa tagumpay ni Digong

By
0 1,368

SA kahihirit at kababanat ng kung ano-ano na nagiging dahilan para hindi makaabante ang 2019 national budget, tila ayaw umanong magtagumpay nina Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto at Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay House Majority Floor Leader Fredenil Castro, lumalabas na hino-hostage ni Lacson si PDu30 at ang buong sambayanang Pinoy dahil sa galit nito kay Speaker Gloria ­Macapagal-Arroyo.

Halata naman aniya na nakumbinsi ni Lacson ang liderato ng Senado sa mga paandar nito.

Pinaalala ni Castro ang hindi pa rin naaaktuhang mga panukala na prayoridad at nakapaloob sa mga agenda ng Presidente.

Kabilang sa mga ito ang Charter change (Cha-cha) para mabigyang-daan ang pedera­lismo, second tranche ng tax reform o TRAIN 2, traffic emergency bill at panukala na magtatag sa bagong Department of Disaster Ma­nagement.

Binigyang-diin ng House leader na silang mga mambabatas ay hinalal upang magpasa ng mga batas.

“Let’s heed the President’s call for all of us to do our job and do right by our people,” apela ni Castro.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy