Una sa Balita

Sotto, Ildefonso lampaso sa Russia

0 442

NILAMPASO ng Russia ang Gilas Pilipinas Youth 92-64 sa huling laro ng regular phase ng 2019 FIBA Under-19 World Cup sa Heraklion, Greece Miyerkoles nang madaling-araw.

Inumpisahan ng Russians ang laro sa 7-0 run bago tinapos ang second quarter sa isa pang 7-0 blitz mula sa dalawang 3-pointers ni Dmitri Kadoshnikov para dumistansiya 49-30 papasok ng break.

Mula roon, hindi na nakabalik ang Filipinos.

Bumuka pa ng hanggang 89-59 ang hinahabol ng Nationals papasok ng final minute ng laro.

Sina Kai Sotto at Dave Ildefonso ang bumitbit sa Pilipinas, bokya sa tatlong laro sa regular phase pero aabante sa round-of-16 kontra Serbia. Siklab agad ang knockout phase ngayong araw.

Anim na tira ang binura ni Sotto palamuti sa kanyang 14 points at 7 rebounds. Tumapos si Ildefonso ng 14 points, 6 rebounds, 5 assists at 2 steals.

Nakitaan din ng angas sa squad ni coach Sandy Arespacochaga sina Carl Tamayo (12 markers, 5 boards) at Rhayyan Amsali (9 points, 5 rebounds, 2 feeds at 2 steals). (Vladi Eduarte)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More